Umano'y post ng ina ni Carlos Yulo, nag-viral sa Facebook

Umano'y post ng ina ni Carlos Yulo, nag-viral sa Facebook

- Tila gumulantang sa publiko ang post ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo

- Makikitang nagpost sya ukol sa Japan ilang araw bago pa masungkit ng anak ang gintong medalya

- Sa comments section ng naturang post, makikita ang samu't saring reaksyon ng netizens

- Gayunpaman, bumabaha ng pagbati ngayon para kay Carlos sa pag-uuwi ng isa na namang gintong medalya para sa Pilipinas

Marami ang nagulat sa post ng ina ni Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo.

Post ng ina ni Carlos Yulo, gumulantang sa netizens
Post ng ina ni Carlos Yulo, gumulantang sa netizens (@chloeanjeleigh)
Source: Instagram

Ilang araw bago pa masungkit ni Carlos ang gintong medalya bubungad ang post ng ina sa bansang Japan.

"Japan pa din Talaga.. lakas"

Dahil dito, umani ng samu't saring reaksyon ito mula sa netizens lalo na at makalipas ang ilang araw, si Carlos ang makapag-uuwi ng gintong medalya sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.

Read also

Carlos Yulo, makatatanggap ng fully-furnished condo unit na may nakakalulang halaga

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, nangibabaw pa rin ang pagbati kay Carlos sa naturang post. Narito ang ilan sa mga nasabing komento:

"Congratulations pa rin Caloy! Nakaka-proud ka."
"Congrats pa din madam Angelica Poquiz Yulo ang gagaling ng mga anak mo"
"Congrats Caloy. Laban lang. Deserve mo lalo ang ginto"
"Hugs for Carlos! Pinaghirapan mo 'yan. Deserve mo lahat ng matatanggap mo pang biyaya dahil sa gintong iuuwi mo para sa Pilipinas"

Samantala, narito ang kabuuan ng post:

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Richard Gutierrez at Annabelle Rama, namataan sa birthday party ni Barbie Imperial

Samantala, ngayong Agosto 4, lalaban muli sa isa pang kategorya si Yulo, kung saan umaasa ang marami na makapag-uuwi muli siya ng isa pang ginto para sa Pilipinas.

Matatandaang isa rin sa ipinagmamalaki ng Pilipinas pagdating sa palakasan ay si Hidilyn Diaz. Hindi nito napigilang maging emosyonal matapos niyang maiuwi ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021. Tinalo ni Hidilyn ang pambato ng China na si Liao Qiuyun na nakakuha ng silver at bronze naman para kay Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhstan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica