Alice Guo, walang pagsisi na pumasok sa pulitika kahit aniya ay nasaktan siya

Alice Guo, walang pagsisi na pumasok sa pulitika kahit aniya ay nasaktan siya

- Inamin ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nasaktan siya ng politika ngunit hindi siya nagsisisi sa pagpasok dito

- Nagpasalamat si Guo sa lahat ng mga taga-Bamban na nagtiwala sa kaniya bilang kanilang alkalde

- Humingi siya ng paumanhin sa mga nadamay sa kaniyang sitwasyon at nakiusap na itigil na ang pagpapalaganap ng maling impormasyon

- Isang araw bago ilabas ng Senado ang arrest order laban sa kaniya, nagpahayag si Guo na mahal niya ang Pilipinas at hindi siya susuko sa mga pagsubok na hinaharap

Sinabi ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nasaktan siya nang husto ng politika, ngunit hindi siya nagsisising pasukin ito.

Sa isang mahabang Facebook post noong Biyernes, Hulyo 12, nagpasalamat si Guo sa lahat ng taga-Bamban na nagtiwala sa kaniya bilang alkalde.

Alice Guo, walang pagsisi na pumasok sa pulitika kahit aniya ay nasaktan siya
Alice Guo, walang pagsisi na pumasok sa pulitika kahit aniya ay nasaktan siya
Source: Facebook

Ibinahagi ni Guo na tinanong siya kung nagsisi ba siya sa pagpasok sa politika. Ang sagot niya ay "HINDI," ngunit aminadong nasaktan siya nang husto at muntik nang mawalan ng sarili.

Read also

Ray Parks, hinangaan sa ginawa nang 'magselos' si Zeinab sa prank sa kanya

Noong Hulyo 12, 2021, nagpasalamat siya sa suporta ng mga tao sa Dapdap Our Lady of Guadalupe Church, at ngayong Hulyo 12, 2024, muling nagpasalamat si Guo sa pagkakataon at tiwala ng mga taga-Bamban.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa niya, magdarasal siya na malagpasan ang mga pagsubok na ito. Sinabi ni Guo na malaking bahagi ng kaniyang puso ay para sa Bamban at ang mga taga-roon ang kaniyang inspirasyon.

Si Alice Leal Guo ang Punong Bayan ng Bamban, Tarlac. Siya ay nanalo bilang punong bayan sa mga pambansang eleksyon noong 2022. Siya ay naging kilala sa buong bansa matapos madawit ang kanyang pangalan sa patuloy na imbestigasyon ng Senado ukol sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO at sa alegasyon ng paglaganap ng mga ilegal na dayuhang naninirahan sa bansa. Ang kanyang pangalan ay naging paksa ng maraming online memes mula noon.

Read also

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

Matatandaang si Sen. Risa Hontiveros ang nagtanong sa tunay na pagkakakilanlan ng suspindidong punong-bayan ng Bamban. Nitong Miyerkules, ipinakita ng senadora ang isang dokumento kung saan makikita ang isa pang "Alice Leal Guo."

Sinabi ni Sen. Hontiveros sa isang pahayag na ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakumpirma na ang mga fingerprint ni Mayor Guo ay tumutugma sa may-ari ng nabanggit na Chinese passport na si Guo Hua Ping.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate