Sen. Nancy Binay, nag-walk out sa pagdinig ng Senado matapos makasagutan si Sen. Alan Peter Cayetano
- Nag-walkout si Senator Nancy Binay sa Senate inquiry matapos ang mainitang sagutan kay Senator Alan Cayetano hinggil sa umano'y pagtaas ng pondo para sa bagong Senate building
- Pinanindigan ni Binay na ang gastos ay P21 bilyon lamang, subalit iginiit ni Cayetano na umabot na ito ng P23 bilyon kasama ang lupa
- Nagsimula ang alitan nang itaas ni Binay ang isyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang kanilang pagtanggi na humingi ng paumanhin sa Senado
- Sa isang ambush interview, binatikos ni Binay si Cayetano sa umano'y pang-aalipusta sa mga manggagawa sa palengke at sa journalism profession
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nag-walkout si Senator Nancy Binay mula sa imbestigasyon ng Senate committee on accounts matapos makipagsagutan kay Senator Alan Cayetano tungkol sa umano'y pagtaas ng pondo para sa bagong Senate building. Inumpisahan ni Cayetano ang imbestigasyon matapos ipag-utos ni Senate President Francis "Chiz" Escudero ang pag-review sa gastos ng gusali, na sinasabing umabot na sa P23 bilyon.
Iginiit ni Binay na ang gastos ay P21 bilyon lamang, habang pinaninindigan ni Cayetano na P23 bilyon ang gastos dahil kasama rito ang P1.6 bilyon para sa pagkuha ng lupa. Nagkaroon ng tensyon nang ipunto ni Binay na hindi dapat humingi ng paumanhin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Senado, tulad ng hinihingi ni Cayetano, ukol sa mga dokumentong ipinakita nila sa komite.
Inakusahan ni Cayetano si Binay na ginugulo ang pagdinig at sinabing siya ang nag-feed ng tanong sa media upang itaas ang mga isyu kaugnay ng alitan sa pagitan ng Makati City at Taguig City. Tumugon si Binay na nais ng DPWH na linawin ang mga isyu ngunit hindi sila binigyan ng pagkakataon. Nang tanungin ni Binay ang DPWH kung may P23 bilyon sa kanilang mga dokumento, tumugon si DPWH Undersecretary Emil Sadain na wala.
Pagkatapos nito, nag-walkout si Binay. Sinabi ni Cayetano na paulit-ulit na sila na P21.7 bilyon ang gastos at hindi dapat gawing palengke ang Senado.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa isang ambush interview, sinabi ni Binay na ang pagdinig ay nagpapaalala sa kanya ng 2015 Senate investigation sa Makati City Hall Parking Building. Binatikos din ni Binay si Cayetano sa umano'y pagmamaliit sa mga manggagawa sa palengke at paglabag sa propesyon ng pamamahayag.
Matatandaang nagpost si Sen. Nancy Binay upang pagtanggol ang kanyang ama na si Jejomar Binay. Ito ay matapos ang pahayag na inilabas ni Edu Manzano sa Twitter.
Naglabas din sya ng kanyang pahayag hinggil sa sesyon ng gluta-drip ni Mariel Padilla sa senado. Sinabi ng chair ng ethics committee na dahil hindi miyembro ng senado si Mariel, hindi siya sigurado kung maaaring palawigin ng komite ang kanilang hurisdiksyon sa pangyayari.
Source: KAMI.com.gh