Pagprito ng mga pagkain ng isang vlogger gamit ang init ng araw, viral

Pagprito ng mga pagkain ng isang vlogger gamit ang init ng araw, viral

- Mabilis na nag-viral ang post ng isang content creator na nagluto ng walang apoy

- Gamit ang kanyang kawali, ibinilad niya ito ng ilang minuto sa tindi ng sikat ng araw

- Ito ang ginamit niya para makaluto umano ng hotdog, isda at longganisa

- Makikita pa sa video na tinikman niya ang mga pagkain upang malaman kung talagang naluto ito

Viral ngayon ang post ng content creator na si Miss Popcorn ng Negros Occidental kung saan ipinakita niya ang pagluluto gamit lamang ang init ng araw.

Pagprito ng mga pagkain ng isang vlogger gamit ang init ng araw, viral
Pagprito ng mga pagkain ng isang vlogger gamit ang init ng araw, viral (Miss Popcorn)
Source: Facebook

Sa kanyang video, makikitang lumabas sa kalsada si Miss Popcorn at pinainit ang kanyang kawali sa loob umano ng 20 minuto.

Makalipas ang nasabing oras, nilagyan na niya ng mantika ang kawali. Kapansin-pansin din na habang hinahawakan ni Miss Popcorn ang kawali upang iayos ang pwesto nito sa initan, ay tila napapaso siya.

Read also

Anjo sa mga naging hosts ng EB: "wala pa akong kilala na nakabalik kahit gusto nilang bumalik"

Nang ilagay nga niya ang unang pagkaing lulutuin, kitang-kita ang pitik ng mantika dito. Sunod niyang niluto ang longganisa at ang huli ay isda.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos ang pagluluto, tinikman pa ni Miss Popcorn ang mga pagkain upang malaman kung naluto nga ba ito.

Sa panayam ng GMA Integrated Newsfeed 2024 kay Dr. John Manalo, isang weather specialist ng PAGASA, sinabi nitong hindi basta-basta sasapat ang init ng araw upang makapagluto ng pagkain.

"Iinit po siya ng mainit talaga. Pero hindi po yan magiging enough para halimbawa roon sa video, maluto 'yung hotdog," paliwanag niya.

Gayunpaman, maaaari rin namang maganap ang pagluluto ng pagkain gamit ang init na mula sa sikat ng araw tulad ng nangyari sa video ni Miss Popcorn.

"Depende po kung talagang efficient 'yung structure ng ganyang material. Talagang na-corner niya yung heat niya para makaluto, pwede po."

Read also

Cristy, nabalitaan umano na hanggang Disyembre lang ang It's Showtime sa GMA

Paalala rin umano ng eksperto na huwag nang mag-eksperimento pa kung makakaluto nga ang init ng sinag ng araw dahil hindi naman talaga ito paraan ng paghahanda ng pagkain.

Mas bigyang pansin umano ang kalusugan na sa pagbibilad din sa araw para lang magluto ay makasasama sa balat at maaring magdulot ng ibang karamdaman lalo na at nakararanas tayo ngayon ng extreme heat weather condition.

Narito ang kabuuan ng video:

Kamakailan ay makailang beses na nagdeklara ng asynchronous classes ang Department of Education dala ng matinding init na dinaranas ng mga mag-aaral lalong-lalo na iyong mga nasa pampublikong paaralan kung saan karamihan sa mga silid-aralan nila ay walang air-condition.

Samantala, ilang vloggers din ang naisipang magbigay tulong sa mga kababayan natin na ang pangunahing trabaho ay mabilad sa araw, Tulad na lamang ng mga delivery riders na sumusuong sa tindi ng init makapaghatid lamang ng mga orders sa kanilang mga customers. Ang ilang mga naka-bisikleta at nabiyayaan ng motorsiklo upang mas mabilis ang biyahe at mabawasan ang oras ng pagkakabilad sa arawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

iiq_pixel