Pura Luka Vega sa kanyang pagkakaaresto sa Maynila: "I'm still processing it"
- Nahingan ng pahayag si Pura Luka Vega matapos na siya ay maaresto at makulong sa Maynila
- Ito ay kaugnay pa rin ng patong-patong na reklamo sa kanya sa paggaya umano sa imahe ng Poong Nazareno
- Bukod sa Maynila, kinakaharap din niya ang parehong reklamo sa Quezon City
- Matatandaang naglikom pa umano ang kampo ni Pura ng donasyon para sa kinakaharap na kaso
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nahingan at nagpaunlak naman ng pahayag ang drag artist na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala bilang si Pura Luka Vega
"I'm still processing it," ang bahagi ng naging panayam kay Pura bago pa siya tuluyang malagak sa kulungan.
Ayon sa ulat ng 24 Oras, nagpanggap umanong delivery rider ang mga pulis na umaresto kay Pura sa kanya mismong tahanan. Maayos naman daw itong sumama sa mga ito.
Sa kabila ng kabi-kabilang reklamo sa kanya. Aminado si Pura na nagulat pa rin siya sa kanyang pagkakaaresto.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"I did not receive the subpoena. When we went there, sa ibang address po siya naibigay," ani Pura.
Giit pa rin nito ang paninindigan sa kanyang nagawa lalo pa't makailang beses niyang naulit ang naturang performance sa kabila ng pagbatikos sa kanya ng karamihan.
"My intention was never to mock. I also would not like to invalidate their feelings. If they feel hurt or they feel offended, it's their right to feel such," saad niya.
Php72,000 ang piyansa sa kasong paglabag sa immoral doctrines obscene publications and exhibitions, and indecent shows.
Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.
Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.
Sa kabila ng mga pambabatikos na ito, patuloy pa rin ginagaya ni Pura ang imahe ng Poong Nazareno. Isa sa mga pinakabagong video na ginawa nito ay ang pag-rate sa ostya o banal na tinapay ng mga Katoliko. Habang ginagawa ito, nakadamit pa rin siya ng imahe ni Kristo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh