Wilbert Tolentino, sinabing bayad ang koronang napanalunan ni Miss Planet Philippines

Wilbert Tolentino, sinabing bayad ang koronang napanalunan ni Miss Planet Philippines

- Naglabas si Wilbert Tolentino ng kanyang statement kasunod ng paglabas ng balitang nanalo si Miss Planet Philippines Maria Luisa Varela sa ginanap na Miss Planet International 2023 pageant sa Cambodia

- Aniya, huwag muna mag diwang sa pagkapanalo ang Miss Planet Philippines dahil aniya ay bayad ang koronang napanalunan nito

- Binatikos niya rin ang umano'y inappoint na national director ng MPI Ph na si Miki Antonio

- Bukod umano sa pag bypass nila kay Wilbert ay sila pa umano ang nagagalit sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas si Wilbert Tolentino ng mga screenshots kalakip ng kanyang nilabas na pahayag kaugnay sa pagkakapanalo ni Miss Planet Philippines Maria Luisa Varela sa ginanap na Miss Planet International 2023 pageant sa Cambodia.

Wilbert Tolentino, sinabing bayad ang koronang napanalunan ni Miss Planet Philippines
Wilbert Tolentino, sinabing bayad ang koronang napanalunan ni Miss Planet Philippines (@sirwil75)
Source: Instagram

Sinabi niyang hindi daw muna dapat ipagdiwang ang pagkapanalo nito dahil aniya ay bayad ang koronang napanalunan nito. Dagdag pa niya alam na umano nito ang final question bago pa ito nagtungo sa Cambodia.

Read also

Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin

Binatikos niya rin ang umano'y inappoint na national director ng MPI Ph na si Miki Antonio. Bukod umano sa pag bypass nila kay Wilbert ay sila pa umano ang nagagalit sa kanya.

FYI lang po guys, bayad po ang Korona ang na panalunan ng Miss Planet Philippines at alam na nya final Question. bago cya lumipad ng #Cambodia para sumabak ng MPI.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ate Girl (Maria Luisa) lumaban ka ng patas kawawa din mga co candidate mo at nag eeffort din cla para sa Pageant sinalihan nila at mag travel pa sila patungong #Cambodia.

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tanghalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

Read also

RR Enriquez sa cake issue ni Alex Gonzaga: "Hindi naman ako sobrang namalian"

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up. Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya. Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel