Paghagupit ng super typhoon Karding sa Polillo Island, ibinahagi ng residente
- Ibinahagi ng ilang netizens ang lagay ng Polillo island na hinahagupit ng super typhoon Karding
- Itinaas na sa signal number 5 na pinakamataas na tropical cyclone wind signal ang pananalasa ni Karding sa nasabing lugar
- Sa Metro Manila, nakataas na sa signal number 4 ang TCWS na inaasahang mararamdaman sa magdamag ng Setyembre 25
- Pinaghahanda at pinag-iingat ang mga residente habang ang ilang mga lugar ay nagdeklara na ng suspensyon ng klase
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ilang mga residente ang nagbabahagi ng kalagayan nila sa Polillo island sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Karding ngayong Setyembre 25.
Nalaman ng KAMI na signal number 5 na ang nasabing lugar, ang pinakamataas na tropical cyclone wind signal kaya naman tinagurian nang super typhoon si Karding.
Sa video, makikita ang malakas na ulan habang maririnig naman ang malakas na hampas ng hangin.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa isa pang video, makikita ang pinsala agad ni Karding sa ilang kabahayan sa loob ng ilang oras na pananalasa nito.
Samantala sa Metro Manila, itinaas na rin ang signal number 4. Dahil dito, agad na nagsuspinde na ng klase ang iba't ibang lungsod sa Kamaynilaan para bukas, Setyembre 26.
Ito ay alinsunod sa memorandum ng Department of Education na automatic suspension mula Kindergarten hanggang Grade 12 pati na rin ang Alternative learning System sakaling magkaroon ng tropical cyclone wind signal ang anumang lugar.
Samantala, maliban sa Polillo nakataas din ang signal number 5 sa Hilagang bahagi ng Quezon, General Nakar at maging ang Infanta.
Itinaas din sa signal number 4 ang ilan pang bahagi ng central at southern Luzon.
Patuloy ang pagtutok ng publiko sa pagkilong ng Bagyong Karding na inaasahang pag-landfall nito bandang alas otso ng gabi, sa hilagang bahagi ng probinsya ng Quezon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh