OVP, balik relief operations sa mga apektado ng pag-alboroto ng Mt. Bulusan

OVP, balik relief operations sa mga apektado ng pag-alboroto ng Mt. Bulusan

- Inihayag ni Vice President Leni Robredo ang pagbabalik operasyon sa pamamahagi ng relief goods sa Juban, Sorsogon

- Ito ay para sa mga residenteng apektado ng pagsabog ng Mt. Bulusan

- Matatandaang ang kanyang opisina rin ang unang nagpadala ng tulong nang unang mag-alboroto ang bulkan noong Hunyo 4

- Isang linggo ang nakalipas at muling nagbuga ng usok na nagdulot ng ash fall ang Bulusan dahilan upang halos mag-zero visibility na naman sa ilang barangay malapit dito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inanunsyo ni outgoing Vice President Leni Robredo ang pagbabalik operasyon ng kanyang opisina sa pamamahagi ng relief sa Juban, Sorsogon.

OVP, balik relief operations sa mga apektado ng pag-alboroto ng Mt. Bulusan
Photo: VP Leni Robredo
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni VP Leni ang mga larawan ng muling pagpapabot ng Office if the Vice President ng tulong para sa mga apektado ng pagputok ng Mt. Bulusan.

Read also

Bulkang Bulusan, muling nag-alboroto; ilang lugar sa Sorsogon nabalot muli ng abo

"Resumption of relief operations in Juban, Sorsogon. Our team is back on the ground," aniya sa kanyang social media.

Matatandaang noong Hunyo 5, kung kailan unang nag-alboroto muli ang Bulusan, ang opisina ng bise presidente ang isa sa mga umano'y naunang rumesponde at magpadala ng tulong sa ating mga kababayan doon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isang araw bago naganap ang relief operations, namataan na muling nagbuga ng usok ang Bulusan, dahilan para magkaroon muli ng ash fall. Dahil dito, unti-unti nang nagsisilikas ang mga kababayan nating labis na apektado ng paggising ng Bulkang Bulusan.

Ang Mount Bulusan ay isang stratovolcano na matatagpuan sa Sorsogon sa rehiyon ng Bicol. Huli itong naitala na sumabog noong taong 2017.

Bukod sa Taal, Mayon at Kanlaon, isa rin ang Bulusan sa madalas tutukan ng Phivolcs sa posibilidad nito na pagsabog.

Read also

11-anyos sa audience ng AGT, naging instant contestant at na-golden buzzer pa

Samantala, nito lamang Marso 27 itinaas muli sa alert level 3 ang Bulkang Taal dahil umano sa magmatic activity ng bulkan sa loob ng dalawang linggo. Bahagyang nangamba muli ang ilang residenteng malapit sa Taal base na rin sa naranasan nila noong 2020 kung saan kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan. At ngayon, makalipas ang nasa dalawang taon, muli na naman itong nagpaparamdaman ng posibleng pag-alboroto.

Dahil sa masasabing permanent danger zone pa rin ang paligid ng Taal, Noong 2020 din, naaresto pa ang pamilyang mga turista na nagtangkang mamasyal malapit sa bulkan at kinunan pa umano nila ito ng video na naging sanhi ng pagkakadakip sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

iiq_pixel