Catriona Gray, mabusising kinilala ang ibobotong presidente na si VP Leni Robredo

Catriona Gray, mabusising kinilala ang ibobotong presidente na si VP Leni Robredo

- Hayagang sinabi ni Catriona Gray na si Vice President Leni Robredo ang kanyang iboboto sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon

- Aniya, mabusisi niyang inaral at inalam ang bawat kandidato na sana'y ginagawa rin umano ng kapwa niya Pilipino

- Matapos umano ang kanyang pagre-research patungkol sa mga magagandang kalidad ng isang pinuno, sina VP Leni at ka-tandem nitong si Senator Kiko Pangilinan ang kanyang napiling ihalal

- Tulad ni Catriona Gray, ang kapwa niya Miss Universe winner na si Pia Wurtzbach ay ibinoto rin si VP Leni sa pagka-pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas ng "Pinuno: Para Sa Bayan PH" video si Catriona Gray sa kanyang YouTube channel ngayong Abril 18.

Catriona Gray, mabusising kinilala ang ibobotong presidente na si VP Leni Robredo
Catriona Gray, mabusising kinilala ang ibobotong presidente na si VP Leni Robredo (Photo: Catriona Gray YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na gumulantang ito sa publiko lalo na at hayagan niyang nasabi na sina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ang kanyang napiling ihalal sa pagka-pangulo at bise presidente sa darating na May elections.

Read also

Bongbong Marcos, naikwentong sa ama humihingi ng payo lalo na noong siya'y teenager

Ayon kay Catriona, binusisi niya ang kalidad ng isang mahusay na pinuno ng bansa at naglaan umano siya ng oras na mag-research ukol dito.

"My choise for president, is Leni Robredo. She's the only candidate with experience in all 3 branches of government. Judiciary, as a volunteer lawyer. Legislative as a congresswoman. and executive as a vice president"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I believe that one of the most competent responses during the global pandemic was that under the stewardship of her office of the vice president"
"You know one, which is actually reflected the highest audit rating in commision on audit for three consecutive years in a row, so there's transparency and I really appreciate that"

Binigyang linaw niya na nais niyang busisiin din ng kanyang manonood ang pipiliin ng mga ito na mga magiging pinuno hindi dahil lamang sa mga artista na sumusuporta rin sa mga ito.

Read also

Pinay actress sa mga K-Drama, sinabing walang Oppa in real life

"I want you guys to vote for who you think you should vote for not because your favorite artista or public figure or beauty queen is voting for someone. But it's my hopes that by sharing whom I'm voting for after doing my own research, and looking at those 5 qualities, what do you agree or disagree with my stance. It will serve as an invitation to learn more for yourselves and to hopefully develop any stances that you may already have."

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Tulad ni Catriona, maging si Pia Wurtzbach na nakaboto na umano sa Dubai ay si Vice President Leni Robredo ang pinili sa pagka-pangulo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica