Pia Wurtzbach, nakaboto na; umano'y proud na nanindigan para kay VP Leni
- Naibahagi ni Pia Wurtzbach ang kanyang naging karanasan sa pagiging isang first time voter
- Aminadong emosyonal siya nag-shade ng 'black dot' na para umano sa ating kinabukasan
- Ipinakita rin niya ang pagsuporta kay presidential candidate Leni Robredo
- Aniya, naniwala at nanindigan umano siya para kay VP Leni at proud siyang iboto ito bilang susunod na pangulo para sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nakaboto na ang aktres at 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Kasalukuyan siyang nasa Dubai kaya naman nauna ang proseso ng eleksyon doon.
Nalaman ng KAMI na first time voter umano si Pia na aminadong naging emosyonal habang nagsi-shade ng black dot sa kanyang balota.
"As a first time voter, I must say that it felt so good to vote today. Emotional actually. May halong excitement & relief that I finally took my stand,"
"Shading that little black dot felt like I was finally making a choice towards our future."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bukod pa rito, tahasan din niyang ipinahayag ang suporta niya kay Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo.
"Today, I am even prouder to have voted for Leni to be our next President,"
"I’m sharing this with you dahil naniniwala ako sa kakayahan ng isang babae"
"Naniniwala ako at naninindigan ako para kay Leni."
Sa kanyang pagtungo sa Philippine Embassy, napag-alaman din ni Pia na 30% pa lamang ang rehistradong mga kababayan nating nasa UAE. Dahil dito, hinikayat niya ang mga rehistrado na bumoto gayung isang buwan ang pagproseso.
"If you’re a Filipino living abroad who’s already registered, please make time for it because your vote counts. You have one whole month to do this so there’s really no excuse not to. Plus, the process in Abu Dhabi was super seamless,"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Si Pia Wurtzbach ay isang actress, model at endorser sa Pilipinas. Mas lalo siyang nakilala sa buong mundo nang maiuwi niya ang korona bilang 2015 Miss Universe.
Isa lamang si Pia sa mga umano'y kilalang personalidad na nagpakita ng suporta kay VP Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo.
Kamakailan, sumama na rin sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' ang aktres na si Nadine Lustre.
Source: KAMI.com.gh