Bulkang Taal, nanatili sa Alert level 3 ayon sa Phivolcs sa kabila ng 'smaller explosions'
- Nanatili sa alert level 3 ang Bulkang Taal sa kabila ng mga 'smaller explosions' nito ngayong Marso 27
- Ayon sa Phivolcs, dalawang linggo nila oobserbahan ang kaganapan sa bulkan
- Ito ay dahil sa magmatic activity ng bulkan kaya naman hindi parin ito ibinababa sa Alert level 2
- Nakalikas na ang ilang residente mula sa mga barangay na malalapit sa Taal subalit may ilang mga residente pa rin na hindi muna nilisan ang kanilang mga tahanan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nanatiling nakataas sa alert level 3 ang bulkang Taal sa kabila ng naobserbahang 'smaller explosions' nito ngayong araw, Marso 27.
Nalaman ng KAMI na naipaliwanag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Renato Solidum Jr. kung bakit alert level 3 pa rin ang bulkan.
"Ang alert level number 3, ibig sabihin merong magmatic activity. Ang magma ay nagi-intrude o umaakyat papunta sa crater nang dahan-dahan at ang pagdampi o interaksyon ng mainit na magma o tubig ay sanhi ng mga pagsabog," pahayag ni Solidum nang makapanayam siya ng ABS-CBN TeleRadyo.
Ito rin ang naging dahilan kung bakit inirekomenda pa rin nila ang paglikas ng mga residente sa malalapit na barangay sa Taal.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Subalit may ilang mga nagpaiwan pa rin kaya naman patuloy nilang pinaaalalahanan ang mga ito sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw.
Dagdag pa ni Solidum, dalawang linggo nilang aantabayanan ang mga kaganapan sa Taal bago nila ito maibaba sa Alert level 2.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa ABS-CBN TeleRadyo:
Ang Taal Volcano ay isa sa mga kilalang aktibong bulkan sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Batangas ang itinuturing na isa sa mga popular na tourist spots sa bansa lalo na at matatanaw na rin ito sa Tagaytay.
Madaling araw ng Biyernes, Marso 25, naobserbahan na ng Phivolcs ang kakaibang aktibidad sa Taal. Marso 26, Sabado nang itinaas na ng Phivolcs sa alert level 3 ang nasabing bulkan.
Matatandaang kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas noong 2020 ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan. At ngayon, makalipas ang nasa dalawang taon, muli na naman itong nagpaparamdaman ng posibleng pag-alboroto.
Dahil sa masasabing permanent danger zone pa rin ang paligid ng Taal, Noong 2020 din, naaresto pa ang pamilyang mga turista na nagtangkang mamasyal malapit sa bulkan at kinunan pa umano nila ito ng video na naging sanhi ng pagkakadakip sa kanila.
Source: KAMI.com.gh