Pagbuga ng puting usok ng Bulkang Taal, sapul sa video na kuha sa Batangas
- Nakunan ng video ang aktwal na pagbuga ng puting usok na mula sa Bulkang Taal
- Ngayong umaga ng Marso 26, patuloy na inaantabayanan ang mga aktibidad ng nasabing Bulkan
- Mula Alert level 2, itinaas na ng Phivolcs sa Alert Level 3 ang status ng bulkan dahil sa umano'y 'magmaatic unrest' nito
- Matatandaang bago gumimbal ang COVID-19 sa bansa, binulabog muna ang ilang mga kababayan natin malapit sa Bulkang Taal ng pagyanig nito sa pagbubukas ng taong 2020
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sapul sa video ang kasalukuyang lagay ng Bulkang Taal na patuloy na nagbubuga ng malalaking puting usok.
Nalaman ng KAMI na mula pa ng umaga ngayong Marso 26 ay patuloy nang inaantabayanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang kakaibang aktibidad na ito ng bulkan.
Sa ganap na alas otso ng umaga, itinaas na nila sa Alert level 3 ang status ng bulkan base sa mga nagaganap dito.
Ayon sa social media post ng Philvolcs, dahil umano nito sa 'magmatic unrest' kaya't mula sa alert level 2, naitaas nila sa alert level 3 ang estado nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 2 (increasing unrest) to Alert Level 3 (magmatic unrest),"
"In view of the above, DOST-PHIVOLCS is now raising the alert status of Taal from Alert Level 2 to Alert Level 3. This means that there is magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions," pahayag ng Phivolcs.
Dahil dito, pinalilikas na ang mga residente na malapit sa Taal bilang pag-iingat at para na rin sa kanilang kaligtasan.
Samantala, narito ang video na kuha ni Patrick De Jesus na ibinahagi ng PTV:
Ang Taal Volcano ay isa sa mga kilalang bulkan sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Batangas ang itinuturing na isa sa mga popular na tourist spots sa bansa lalo na at matatanaw na rin ito sa Tagaytay.
Matatandaang kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas noong 2020 ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan.
Dahil sa masasabing permanent danger zone pa rin ang paligid ng Taal, naaresto pa ang pamilyang mga turista na nagtangkang mamasyal malapit sa bulkan at kinunan pa umano nila ito ng video na naging sanhi ng pagkakadakip sa kanila.
Source: KAMI.com.gh