Aika Robredo, nakipag-picture sa mga magulang ni Hidilyn Diaz na present sa grand rally
- Ibinahagi ni Aika Robredo ang larawan kung saan nakasama nila ang mga magulang ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz
- Aniya, present ang mga magulang ni Hidilyn sa grad rally ng 'Leni Robredo at Kiko Pangilinan' tandem sa Zamboanga
- Ayon pa kay Aika, labis silang humahanga kay Hidilyn na nagbigay ng karangalan sa bansa
- Ilan sa mga celebrities na kasama ng grupo ni Vice President Robredo sa Zamboanga ay sina Yeng Constantino, Erik Santos, Moira Dela Torre, Rice Peralejo at Jolina Magdangal
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naibahagi ni Aika Robredo anak ni Presidential candidate Leni Robredo ang larawan nila kasama ang mga magulang ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Nalaman ng KAMI na kasama rin ni Aika ang kapatid na si Tricia nang magpakuha ng larawan kasama ang mga magulang ni Hidilyn na present sa 'Layag' grand rally sa Zamboanga Peninsula kamakailan.
Makikita sa Instagram Stories ni Aika na naka-pink din ang mga magulang ni Hidilyn na dumalo ng grand rally.
"We met the parents of Hidilyn Diaz at the grand rally. Idol po namin si Hidilyn!" ani Aika sa kanyang post.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang larawan na naibahagi rin ng Philippine Star:
Nag-viral din ang video ng mga ng kilalang singers na dumalo sa Zamboanga grand rally ng Leni Robredo- Kiko Pangilinan tandem.
Ilan sa kanila na dumalo ay sina Yeng Constantino, Erik Santos at Moira Dela Torre na kumanta ng 'Hawak Kamay habang bumabati at nakikipag-selfie pa si VP Leni at si Senator Kiko sa kanilang mga supporters malapit sa stage.
Nadadagdagan na ang nagpapahayag ng boluntaryong pagsuporta sa kandidatura ng 'Leni-Kiko tandem' at kanilang senatoriables.
Isa na rito ang bandang Ben and Ben. Sa pamamagitan ng kanilang social media, kanilang kinumpirmang isa sila sa mga magtatanghal sa mga campaign rally ng mga Kakampink. Una silang mapapanood ngayong Marso 20 sa Pasig City.
Samantala, kanya-kanyang pagpapabulaan ang ilang mga artist at musicians na napasama sa post na nagsasabing kasama umano sila sa isang campaign rally ng UniTeam.
Ilan sa kanila ay ang Parokya ni Edgar, Kamikazee, Zack Tabudlo at IV of Spades.
Tahasang sinabi ng mga ito na pawang fake news lamang ang narutang post at walang katotohanang sasama sila sa pangangampanya ng grupo ni presidential candidate BongBong Marcos at ka-tandem nito na kumakandidato naman sa pagka- bise presidente na si Sara Duterte.
Source: KAMI.com.gh