Isang babaeng Iranian, nagpaliwanag kaugnay sa kanyang pahayag kaugnay sa mga Pilipino

Isang babaeng Iranian, nagpaliwanag kaugnay sa kanyang pahayag kaugnay sa mga Pilipino

- Umani ng negatibong mga reaksiyon ang isang video ng isang babaeng Iranian habang nakasakay sa kanyang sasakyan

- Ito ay matapos niyang banggitin ang mg Filipino umano ay dapat lamang maglinis ng bahay

- Tinanong pa nito ang mga Pinay kung bakit sila nagtatrabaho sa isang sikat na fast food restaurant chain

- Nagpaliwanag naman ang naturang babae matapos ang matinding reaksiyon ng mga Pinoy sa kanyang naging komento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos makatanggap ng matinding pambabatikos ay nagpaliwanag ang isang babaeng Iranian kaugnay sa kanyang viral video kung saan nagpunta siya sa isang drive-thru ng isang sikat na fast food restaurant chain. Sa kumalat na video sinabi nito na ang mga Pinoy ay dapat naglilinis na lang ng bahay.

Isang babaeng Iranian, nagpaliwanag kaugnay sa kanyang pahayag kaugnay sa mga Pilipino
Some on the 30 repatriated Filipino workers (Photo: JAY DIRECTO/AFP)
Source: Getty Images
“Just clean the house, change the sheets. Why are you working at Tim Hortons?”

Read also

Bride na nagpa-vaccine muna bago ikasal, hinangaan ng marami

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang paliwanag sa OMNI Television, humingi siya ng paumanhin at nilinaw ang kanyang dahilan.

"I should not have said that. I can imagine you’re so disappointed."

Aniya, dahil malapit lang ang kanyang trabaho sa nasabing branch, palagi umanong mali ang nabibigay sa kanya.

“90 per cent of the time, they don’t give you what you order,” ani Mostafavi na isang Iranian national.

Matapos umano ang hindi magandang sagot ng babaeng kumukuha ng kanyang order, pinuna niya kung paano ito sumagot sa kanya. Nagtawanan pa umano ang mga ito kaya nadismaya siya.

“Two people at the window started to laugh at me. Then I told them, you guys are laughing at me?? And I asked for the manager! They began to talk to each other in their language. The lady said ‘I’m the manager’.”

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Sa isang pahayag naman ng nasabing restaurant, sinigurado nila na suportado nila ang kanilang empleyado.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

iiq_pixel