Eksena sa seryeng "Saving Grace", viral; kumurot sa puso ng netizens

Eksena sa seryeng "Saving Grace", viral; kumurot sa puso ng netizens

- Umantig sa puso ng netizens ang isang eksena mula sa seryeng Saving Grace

- Ito ay ang batuhan ng linya ng karakter nina Jennica Garcia at batang si Zia Grace na pawang mag-ina sa serye

- Ang naturang eksena ay muli nilang pagkikita bilang kinupkop na umano ng karakter ni Julia Montes si Zia Grace

- Mapapanood ang 'Saving Grace' sa Prime Video kung saan linggo-linggo nakatutok ang kanilang mga tagasubaybay

Marami ang naantig at tila nakurot ang puso sa batuhan ng linya nina Jennica Garcia at Zia Grace sa seryeng Saving Grace kamakailan.

Eksena sa seryeng "Saving Grace", viral; kumurot sa puso ng netizens
Eksena sa seryeng "Saving Grace", viral; kumurot sa puso ng netizens (Kapamilya Online World)
Source: Facebook

Si Jennica ay gumaganap bilang si Sarah, na biological mother ni Zia na gumaganap bilang si Grace o Bright.

Sa pinakabagong episode nito ngayong linggo ng Kapaskuhan, marami ang napaluha sa muling pagkikita ng tunay na mag-ina.

Ito ay dahil sa mga nabitawang linya ni Zia na kumurot sa puso ng mga nakapanood.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hinayaan niyo akong mag-isa, Hinayaan niyo akong magutom, hinayaan niyo lagi akong madungis, hinayaan niyo akong saktan ni Tito Chito, binubugbog niya nga po ako e."

Read also

54-anyos na good samaritan, nag-ala Santa Claus na namigay ng pamasko

"Hindi po ako galit sa inyo. Pero hindi na rin kita mahal. Kasi hindi ko na po kayo mama. Si Aling Sarah nalang po kayo."

Dahil dito, umani ng samu't saring komento ang eksenang ito nina Jennica at Zia:

"Ang sakit nito sa ina. Ganun na lang yung sakit na naramdaman ng anak niya"
"Hindi ko kinaya ang eksenang 'to. Ang galing pa ng mga artista"
"Bigla nalang talaga tumulo luha ko habang nanonood niyan"
"Para sabihin yan ng bata sa ganyang edad, sobrang hirap siguro ng dinanas niya"

Naibahagi rin ang tagpong ito ng Kapamilya Online World:

Ang 'Saving Grace' ang Philippine Adaptation ng Japanese series na 'Mother.' Pinagbibidahan ito ni Julia Montes. Kasama rin sa naturang serye sina Janice De Belen, Sam Milby, Elisse Joson, Christian Bables at ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Matatandaang bago pa man ipalabas ang naturang serye, emosyonal na ibinahagi ni Julia Montes kung gaano kahalaga sa kanya ang series na ito. Bukod sa ito ang pagbabalik serye niya matapos ang pandemya, ito umano ang huling proyektong iniatang sa kanya ng yumaong producer na si Deo Endrinal ng Dreamscape.

Read also

Pokwang, proud lola sa apat na taong gulang na apo sa anak na si Mae

Ibinida rin ni Julia ang kwento na talagang kapupulutan umano ng aral ang bawat eksena. Mapapanood mga bagong episodes ng 'Saving Grace' linggo-linggo sa Prime Video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica