Teacher na nag-viral matapos magkamali ng sagot sa "Throwbox," nagsalita na
- Isang guró na nagngangalang Tony ang nagkamali ng pagbanggit sa unang babaeng pangulo ng Pilipinas sa isang game show
- Sinagot ni Tony ng "Gloria Macapagal Arroyo" ang tanong ngunit ang tamang sagot ay si Corazon "Cory" Aquino
- Humingi ng paumanhin si Tony at ipinaliwanag na ang matinding pressure ng laro ang naging sanhi ng kanyang pagkakamali
- Nanatili siyang positibo at determinado na magpatuloy sa kanyang pag-unlad bilang isang guró at propesyonal
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang guró na nagngangalang Tony ang naging usap-usapan matapos magbigay ng maling sagot sa segment na “Throwbox!” ng programang “It’s Showtime” noong Setyembre 19. Si Tony, na isa ring contestant, ay sumagot ng “Gloria Macapagal Arroyo” nang tanungin kung sino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. Ang tamang sagot ay dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino.
Ang insidenteng ito ay mabilis na kumalat sa social media, lalo na dahil si Tony ay may master’s degree, kasalukuyang kumukuha ng doctorate, at may walong taon nang nagtuturo. Dahil dito, naging tampulan siya ng sari-saring komento at kritisismo mula sa netizens.
Upang tugunan ang mga negatibong reaksyon, naglabas ng video si Tony kung saan humingi siya ng paumanhin sa kanyang pagkakamali. Ayon sa kanya, nakakadismaya na hinuhusgahan ng ilan ang kanyang buong pagkatao batay sa isang pagkakamali lamang.
Ipinaliwanag ni Tony na ang oras na ibinigay sa game show para sumagot—limang segundo lamang—ay isang malaking dahilan kung bakit siya nagkamali. Ayon sa kanya, ang matinding pressure ng sitwasyon ang nagdulot ng pagkakamali, kahit pa tila madali ang tanong. “Sana naisip ninyo na what if you are in that position, na yah, that’s a very basic question but dumadaloy sa’yo ‘yung pressure, so hindi ka makakasagot talaga,” ani Tony. “It’s really saddening for people na yung mistake na yun, it will really really be taken against you,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng mga negatibong komento, nananatiling positibo si Tony at determinado siyang matuto mula sa karanasang ito. Ipinahayag niya ang kanyang hangarin na patuloy na pagbutihin ang sarili, mag-aral pa, at umunlad bilang isang propesyonal. Aniya, hindi dapat matukoy ang kanyang halaga at kakayahan bilang guró dahil lamang sa isang pagkakamali. Sa halip na manatili sa nagawang mali, nais niyang ituon ang pansin sa pagiging mas mabuting bersyon ng kanyang sarili.
Samantala, sa ibang balita, matatandaang labis na hinahangaan ang isang güro sa Negros Occidental na patuloy na nagtuturo sa kabila ng karamdaman. Tatlong beses kada linggo itong nagpapa-dialysis dahil sa sakit.
Muling hinangaan ang gurong si Jeric Maribao nang muli siyang mamahagi ng biyaya. Hindi lamang mga estudyante ang kanyang sinurpresa kundi maging maga magulang nito.
Source: KAMI.com.gh