Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, agaw-pansin

Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, agaw-pansin

- Mabilis na nag-viral ang umano'y teaser ng bagong seryeng kinabibilangan ni Daniel Padilla

- Bukod kay Daniel, ilang kilalang artista rin ang kanyang makakasama

- Tulad ni Daniel, ito rin ang masasabing pagbabalik telebisyon ni Richard Gutierrez

- Matatandaang nanatiling tahimik si Daniel mula ng kanyang hiwalayan sa dating nobya na si Kathryn

Agad na nag-viral ang teaser ng umano'y bagong seryeng kinabibilangan ni Daniel Padilla.

Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, mabilis na nag-viral
Teaser ng umano'y bagong serye na kinabibilangan ni Daniel Padilla, mabilis na nag-viral (Star Magic)
Source: Facebook

Inilabas ng Star Magic ang umano'y teaser ng bago nilang proyekto na 'Incognito' kung saan kabilang din sina Baron Geisler, tambalang Maris Racal at Anthony Jennings at Kaila Estrada.

Tulad ni Daniel, ito rin ang masasabing balik telebisyon ni Richard Gutierrez at Ian Veneracion.

Maraming fans ni Daniel ang agad na nagkomento at nagpahayag ng kanilang excitement sa naturang proyekto ng kanilang idolo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Jerald sa mga magulang ni Kim Molina: "Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim"

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang gandang comeback naman nito"
"Na-miss kita DJ! Buti naman mapapanood na kita araw-araw"
"Omg! ang ganda ng lineup. Mahuhusay na mga artista lalo na ang idol ko na si Daniel Padilla"
"Dalawang supremo! gandang panoorin nito"
"Wow pinagsama sama mga bida na magagaling"
"Sa galing ng mga artista, okay rin na tumagal sila ng 7 years parang Probinsyano"

Narito ang kabuuan ng nasabing teaser:

Si Daniel Padilla ay isang aktor at modelo sa Pilipinas. Anak siya ni Karla Estrada at aktor na si Rommel Padilla. Mas naging matunog ang pangalan ni Daniel nang pumatok sa publiko ang love team nila ni Kathryn Bernardo na kanyang naging totoong kasintahan sa loob ng 11 na taon.

At noong Nobyembre 30 ng nakaraang taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Angel "Conrado" Sangalang ng singing Trio na Miss Tres, pumanaw na

Matatandaang binati ni Karla Estrada ang anak na si Daniel Padilla sa bagong business venture nito kasama ang kanyang mga kaibigan. Matatandaang si Daniel ang isang mga co-owners ng umano'y mala Disneyland sa Tanauan, Batangas at ito ang J Castles. Ngayon, sa ika-29 kaarawan ni Daniel, ipinasilip din ng kanyang inang si Karla Estrada ang naging selebrasyon nito kung saan dinaluhan din ito ng ilang mga kilalang personalidad na malapit sa puso ni Daniel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica