Anjo sa mga naging hosts ng EB: "wala pa akong kilala na nakabalik kahit gusto nilang bumalik"
- Nagbigay ng kanyang pahayag si Anjo Yllana patungkol sa mga naging hosts ng "Eat Bulaga"
- Tulad niya na nag-resign noong 2020, hindi na umano siya nakabalik sa programa
- Dalawang dekada rin ang itinagal niya sa "Eat Bulaga" bago niya tuluyang lisanin ang programa
- Matatandaang naakusahan siyang traydor matapos na tanggapin ang pagiging hosts ng isang noontime show sa NET25
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isa sa napag-usapan nina Ogie Diaz sa panayam niya kay Anjo Yllana ay ang tungkol sa paglisan niya sa Eat Bulaga.
Sa kabila nito, ilang mga tao pa rin ang kinikilala siya bilang bahagi ng naturang programa.
Minsan na rin umanong natanong is Anjo kung nais pa ba niyang makabalik sa Eat Bulaga kung saan mahigit dalawang dekada siyang napapanood.
Subalit siya mismo ang nagsabing walang 'Dabarkads' na lumisan sa programa ang nabigyan ng pagkakataong muling makabalik.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Pero sa totoo lang, sa Bulaga kasi, ito may isi-share na naman ako. Sana 'wag naman masyadong ma-bash ulit. Sa Eat Bulaga kasi, once wala ka na 'dun, tinanggal ka o nag-resign ka, wala pa akong kilala na nakabalik kahit gusto nilang bumalik. Ganu'n ang patakaran ng Eat Bulaga."
"Kaya nung sinabi sa akin na gusto ko mang bumalik, dati ko pa lang alam na nung nag-resign ako, hindi na ako makakabalik sa Eat Bulaga."
"Although, pwede kang mag-guest at habang buhay kang Dabarkads."
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz YouTube:
Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.
Halos mag-iisang taon na ang nakalipas nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Makalipas ang isang linggo, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1 naman nang nakaraang taon, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.
Kalaunan, nakuha nilang muli ang pangalan ng progama na Eat Bulaga habang ang naiwang noontime show sa GMA ay napangalanan namang 'Tahanang Pinakamasaya.' Hindi nagtagal, tuluyan nang nabuwag ang nasabing programa. At nito lamang April 6, pormal nang nagsimulang isa-ere ang It's Showtime bilang isang noontime show sa GMA.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh