Video clip na nagpapakita ng reflection ni Noli de Castro, viral: "Kabayan, matagal pa ang Undas"
- Viral ang video clip kung saan makikita ang reflection ni Kabayan Noli de Castro
- Ito ay habang nag-uulat ang isa pang news anchor din ng TV Patrol na si Zen Hernandez
- Marami ang naaliw sa mga komento dahil sa video clip na ito dahil mukha daw nananakot si Kabayan
- Maging ang reporter na si Jeff Canoy ay may hirit din sa viral video clip na ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kinaaliwan ang video clip mula sa TV Patrol kung saan makikita ang reflection ni Kabayan Noli De Castro habang nag-uulat si Zen Hernandez. Hirit ng reporter na si Jeff Canoy, matagal pa ang undas ay nanakot na si Kabayan.
Kabayan, matagal pa ang Undas why naman nananakot #Kababalaghan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang tinutukoy nito ay ang special report ni Kabayan tuwing Undas. Kadalasang nakasentro sa kababalaghan at katatakutan ang report nito at matagal na ito kaya tumatak sa tao.
Narito ang ilang komento ng netizens:
Lunes santo palang...malayo pa ang undas
Wag nmn snang umabot na pti c ed caluag makkarating dyn mareng jessica psok hahahahahahaha
Nakita ko yan kagabi grabe tawa ko! Otw na po si Ed Caluag
Si Noli de Castro ay isang kilalang mamamahayag at pulitiko sa Pilipinas. Siya ay sumikat bilang isang broadcast journalist, lalo na bilang anchor at reporter para sa ABS-CBN. Siya ay kilala bilang host ng TV Patrol, isa sa pinakamatagal na tumatakbo at popular na programa ng balita sa Pilipinas.
Matatandaang inalmahan ng mga netizens ang komento ni Noli de Castro sa kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde. Nang patapos na ang TV Patrol kung saan kadalasang nag-uusap ang mga hosts, nagbigay ng komento si Kabayan. Aniya, habang kinakasal ang dalawa, kawawa naman yung mga binabagyo. Agad naman siyang sinagot nina Karen Davila at Bernadette Sembrano.
Nakiramay maging ang mga news anchor ng TV Patrol sa pagpanaw ni Mike Enriquez. Kinumpirma ng GMA ang pagpanaw ni Enriquez sa edad na 71 . Ayon kay Noli De Castro na kapwa beteranong broadcaster ni Mike, matagal-tagal din niya umano itong naging kaibigan. Madalas niya umanong makasabay at makasama sa mga live coverage na kanilang ginagawa sa kani-kanilang estasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh