Luis Manzano, agad na nag-sorry sa publiko sa umano'y joke ni Petite sa It's Your Lucky Day
- Agad na nag-sorry si Luis Manzano sa publiko sa "It's Your Lucky Day" episode noong Oktubre 24
- Kaugnay ito sa naging joke ng co-host nilang si Petite tungkol umano sa may renal conditions
- Matatandaang naging malaking isyu umano sa mga noontime shows ang kanilang mga nagagawa o nabibitawang salita sa live shows
- Katunayan, ang rason kung bakit nagkaroon ng kanilang programang 'It's Your Lucky Day' ay dahil sa suspensyon ng "It's Showtime"
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Agad na nag-public apology umano ang main host ng programang It's Your Lucky Day na si Luis Manzano noong Oktubre 24.
Sa naturang episode, mayroon umanong nasabing joke ang isa ring host sa programa na si Petite tungkol umanos a may renal condition.
"Totoo pala 'yung kasabihan na "Ang pag-ibig, o pag-ibig 'pag tumama sa puso, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Totoo pala 'yun. Kasi 'yung ex ko dati, nagkasakit siya. Tapos nagkaroon siya ng kidney failure so kailangan po ng donasyon ng kidney para sa kanya. So 'yung lola ko, kinausap ko. Sabi ko, 'Lola baka pwedeng ibigay mo na lang 'yung kidney mo kasi bata pa siya. Hindi pumayag 'yung lola ko. So ang ginawa ko, kinuha ko nang mano-mano," pabirong nasabi ni Petite.
Dahil dito, agad na nag-sorry sa publiko si Luis bilang isa sa main host ng naturang programa.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Pero sandali ah, babawiin ko lang. Pero sandali lang ha, sandali lang 'o ng konti. Kasi si Petite kanina nag-joke tungkol sa pinagdaraanan ng mga may kidney disease. Hindi po biro lahat ng pinagdaraanan ng mga may renal conditions, kidney disease," ani Luis.
"So kumbaga, sorry po, pasintabi lang dun sa mga kumbaga medyo naapektuhan po. So we apologize po for that joke po," dagdag pa niya.
Ang It's Your Lucky Day ay isang noontime show ng ABS-CBN. Ito ang umano'y pansamantalang pumalit sa It's Showtime nang tuluyan na itong mapatawan ng 12 days suspension ng MTRCB dahil umano sa kabi-kabilang reklamo sa programa kabilang na rito ang icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez.
Oktubre 14 nang magsimula umano ang naturang suspensyon na tatagal hanggang sa Oktubre 28. Sa pagbabalik ng It's Showtime sa kanila umanong noontime slot, may usap-usapang mananatili ang It's your Lucky Day sa ere ngunit sa ibang time slot.
At habang nahaharap sa suspensyon ang programang It's Showtime, sinamantala ng mga host nito na magbakasyon sa Hong Kong para makapag-bonding. Isa rin sa pinakaaabangan ng publiko ay ang pagdiriwang umano ng anibersaryo ng naturang programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh