Luis, Robi at Melai, umano'y host ng bagong show na pamalit sa "It's Showtime"

Luis, Robi at Melai, umano'y host ng bagong show na pamalit sa "It's Showtime"

- Nabanggit ni Cristy Fermin na sina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Cantiveros ang umano'y magiging host ng isang noontime show

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sinasabing ito ang pansamantalang papalit sa It's Showtime sa pagharap nila sa kanilang suspensyon

- Mayroon din umanong iba pang Star Magic artist ang makakasama sa noontime show

- 12 na araw ang suspensyon ng It's Showtime mula sa MTRCB na magsisimula sa Oktubre 14

Isa sa tinalakay sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang pansamantalang papalit umano sa It's Showtime.

It's Showtime hosts
It's Showtime hosts (It's Showtime)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito ay dahil sa nalalapit nitong suspensyon na sinasabing magsisimula sa Oktubre 14.

Read also

Ogie Diaz, napamura at napapalakpak sa husay ni Kathryn Bernardo sa A Very Good Girl

At dahil 12 araw ang naturang suspensyon o dalawang linggong pagsasa-ere ng It's Showtime mula Lunes hanggang Sabado, mapapanood naman ang 'It's your lucky day' kasama sina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Francisco.

"'Yung L, Luis Manzano. 'Yung R, Robi Domingo at yung M, Melai Cantiveros at iba pa raw pong Young Stars ng Star Magic. 'Yun ang sinasabi. Wala raw pong magmumula sa It's Showtime. Walang kahit isang artista, walang kahit isang host dito sa programang ito na papagitna sa entablado nung pamalit," ani Cristy.

Tuloy na tuloy na umano ang naturang suspensyon na nag-ugat sa reklamong umabot sa MTRCB dahil sa icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez at iba pang sinasabing violation ng programa.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel Chika, at Wendell Alvarez mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Read also

Drag artist na si Pura Luka Vega, nakapagpiyansa at nakalaya na

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV..

Labis na gumawa ng ingay ang umano'y reklamo laban sa It's Showtime dahil sa kontrobersyal na icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez na sinasabing isa lamang sa ilan pang paglabag ng programa sa MTRCB. At sa darating na Oktubre 14, haharapin ng It's Showtime ang kanilang suspensyon kaugnay nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica