Ogie D sa isyu ng MTRCB sa mga noontime shows: "Mas mabigat 'yung lubid sa icing"
- Nagbigay opinyon si Ogie Diaz sa umano'y nagong isyu ng isa muling noontime show na maaring makarating sa MTRCB
- Ang tinutukoy na isyu ay ang kontrobersyal na pahayag ni Joey De Leon na may kinalaman sa lubid
- Para umano kay Ogie mas mabigat ang naging pahayag na ito ni Joey kumpara sa icing incident ni Vice sa It's Showtime
- Bagama't maraming netizen ang pumuna sa naturang pahayag ng TV host, hindi umano nakararating sa MTRCB ang pormal na reklamo ukol dito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa pinakabagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, natalakay nina Ogie Diaz ang umano'y kontrobersyal na pagsasabi ni Joey De Leon ng salitang lubid sa E.A.T.
Matatandaang ito ay nang matanong ang isang contestant ng kanilang segment kung ano ang mga bagay na isinasabit umano sa leeg.
Doon nasabi ni Joey ang salitang lubid na inalmahan ng marami. Dahil dito, hindi maiiwasang maikumpara ito sa naging reklamo umano kina Vice Ganda at Ion Perez sa icing incident naman na nangyari sa It's Showtime.
"Ako ah kung tatanungin niyo, mas mabigat 'yung lubid sa icing," ani Ogie Diaz.
Aniya, hindi man naging malinaw ang dahilan pagsasabi ni Joey sa salitang lubid, ngunit alam ng nakararami ang pinatutungkulan nito na maselang usapin.
Gayunapaman, wala pa umanong pormal na reklamo na nakarating sa departamento ukol sa nasabing insidente sa E.A.T.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie D, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa YouTube channel nilang Ogie Diaz Showbiz UPdate:
Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng 'Eat Bulaga' ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila.
Samantala, halos isang buwan ang lumipas mula nang pamamaalam na ito ng TVJ sa Eat Bilaga, nagsimulang mapanood sa TV5 ang bagong noontime show na E.A.T. kung saan ang TVJ pa rin ang main hosts nila kasama ang tinaguriang legit Dabarkads.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh