Nagkakalat ng fake news na matatapos na ang EB, kakasuhan ayon sa source nina Ogie D
- Matunog ang bali-balitang matatapos na ang 'Eat Bulaga' sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo
- Lumabas ang bali-balitang ito matapos na maisapubliko ang ratings noong July 1 ng tatlong noontime shows
- Wala umanong katotohanan ito ayon sa TAPE Inc. Kaya naman isinagguni na nila ito sa kanilang mga abogado
- Isa ring patunay na 'di pa magtatapos ang 'Eat Bulaga' ay ang pagpirma ng kontrata nina Paolo Contis at Isko Moreno para sa ilang taon pang magigiging host ng programa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naging usap-usapan kamakailan ang umano'y pagtatapos ng Eat Bulaga ngayong buwan ng Hulyo.
Sa programang Ogie Diaz Showbiz Update, sinasabing lumabas ang bali-balitang ito nang isapubliko na ang ratings ng mga noontime show na sabay-sabay suma-ere noong July 1.
Tila inalmahan ito ng mga Jalosjos ng TAPE Inc. at sumangguni na sa kanilang abogado ukol dito.
Sisiguraduhin umano nilang mananagot ang nagapakalat ng maling imporamsyon na ito at wala umanong bashers
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon pa kay Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update, legal actions ang gagawin ng Eat Bulaga sa mga nagpapakalat ng fake news na ito ukol sa kanilang programa dahil malaki umano ang epekto nito lalo na sa mga advertisers at sponsors nila.
Samantala, isang patunay na hindi pa magtatapos ang progama ay ang pagpirma ng kontrata nina Paolo Contis at Isko Moreno sa Eat Bulaga at inaasahang mananatili pa sila ng ilang taon.
Narito ang kabuuan ng talakayan nina Mama Loi, Tita Jegs at Ogie Diaz mula sa kanialng Showbiz Update:
Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.
Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng Eat Bulaga ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh