Allan K, napapanood ang naiwang Eat Bulaga: "Feeling ko hindi rin kaya ng loob nila"

Allan K, napapanood ang naiwang Eat Bulaga: "Feeling ko hindi rin kaya ng loob nila"

- Nakakapanood din umano si Allan K ng 'Eat Bulaga' na may bago umanong mga hosts

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya, tila parang wala rin sa loob ng mga naturang host ang pagsasabi ng 'Dabarkads' at mismong 'Eat Bulaga'

- Subalit alam niya umanong trabaho lamang ito ng mga hosts na pumalit sa kanila

- June 5 nang muling mapanood ng live ang Eat Bulaga kung saan mga bagong hosts na ang humarap sa pag-alis ng TVJ sa TAPE Inc.

Nakakapanood umano si Allan K ng Eat Bulaga na may mga bagong hosts na kinabibilangan nina Paolo Contis, Buboy Villar at maging si dating Manila City Mayor Isko Moreno.

Allan K, napapanood ang naiwang Eat Bulaga: "Feeling ko hindi rin kaya ng loob nila"
Photo: Allan K
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Allan K, sa nagsasabing traydor umano siya sa EB: "Nilalagyan ng iba ng meaning"

Nalaman ng KAMI na isa ito sa natanong ni Julius Babao kay Allan na tila gusto rin umanong malaman ng karamihan.

"Nararamdaman ko 'yung cringe ng mga taong naiwanan din. Sila mismo na magsasabing mga Dabarkads Saka 'yung 'Eat Bulaga' Parang feeling ko hindi rin kaya ng loob nila e," pansin ni Allan na nauunawaan namang trabaho ang ginagawa ng mga hosts na pumlit sa kanila.

"Wala silang magagawa trabaho. Araw-araw silang naliligo ng bashings e," dagdag pa ni Allan.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Julius at Allan mula sa YouTube channel na Julius Babao Unplugged.

Si Alan Joveness Quilantang o mas kilala bilang si Allan K ay isang singer, performer at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa mga matatagal nang host ng Eat Bulaga mula noong 1995.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila. Sa ngayon, isa sa mga pinakaabangan ng marami ay kung ano ang magiging pangalan ng kanilang noontime show sa bago nilang tahanan.

Read also

Maine Mendoza, isa umano sa inalok ng dobleng TF para mag-stay sa EB ayon kay Allan K

Kaya naman habang papalapit ang Hulyo, marami ang nakaabang sa magiging susunod na kabanata ng TVJ sa pagsisimula umano ng bago nilang programa sa TV5.

Matatandaang sa ilang mga naging panayam sa isa sa umano'y orihinal na hosts ng Eat Bulaga na si Joey De Leon, umaasa pa rin silang makuha ang pangalan ng longest running noontime show na siya mismo umano ang nakaisip.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel