Cristy sa kasalukuyang Eat Bulaga: "'Yung pagkalugi, ngayon lang nila nararamdaman"
- Isa sa natalakay nina Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ay ang posibleng kahinatnan ng 'Eat Bulaga' na nasa GMA 7
- Tulad umano ng mga nasasabi ng kapwa manunulat ni Cristy, tila ngayon pa lamang nararamdanan ng naturang programa ang umano'y pagkalugi
- Ito ay dahil umano sa mga kumakalas na sponsors ng programa na nasa ilalim umano ng TAPE Inc.
- Sa ngayon, marami umano ang nag-aabang sa pagbabalik ng Tito, Vic and Joey sa telebisyon sa bago nilang tahanan, ang TV5
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isa sa maiinit na napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang posibleng kahinatnan ng Eat Bulaga na napapanood pa rin sa GMA 7.
Nakarating kay Cristy, mula sa mga kapwa niya manunulat, ang umano'y nararamdamang pagkalugi ng programa sa mga nangyayari ngayon.
"Siguro ngayon pa lang nila nararamdaman yung unti-unting pagbaba ng kanilang ROI. 'Yung return on investment. 'Yung pagkalugi, ngayon lang nila nararamdaman," ani Cristy dahil ayon umano sa kanyang source, unti-unting nagbabaklasan ang mga sponsors ng programa.
May ilang mga nagsasabi umano na wala itong katotohanan gayung patuloy ang pamimigay nila ng papremyo lalo na sa segment ni dating Manila City Mayor Isko Moreno.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila. Sa ngayon, isa sa mga pinakaabangan ng marami ay kung ano ang magiging pangalan ng kanilang noontime show sa bago nilang tahanan.
Kaya naman habang papalapit ang Hulyo, marami ang nakaabang sa magiging susunod na kabanata ng TVJ sa pagsisimula umano ng bago nilang programa sa TV5.
Matatandaang sa ilang mga naging panayam sa isa sa umano'y orihinal na hosts ng Eat Bulaga na si Joey De Leon, umaasa pa rin silang makuha ang pangalan ng longest running noontime show na siya mismo umano ang nakaisip.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh