Cristy sa Sharon-Alden movie: "It's about time na kumalas sa mga love team"

Cristy sa Sharon-Alden movie: "It's about time na kumalas sa mga love team"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin at kanyang mga kasama sa Showbiz Now Na! sa pelikulang gagawin nina Alden Richards at Sharon Cuneta

- Inaasahang papatok na naman umano ito sa takilya tulad ng 'Hello, Love, Goodbye' nina Alden at Kathryn Bernardo

- Mag-ina ang karakter na gagampanan nina Sharon at Alden sa pelikula kung saan kasama rin sina Tonton Gutierrez at Miles Ocampo

- Isa umano sa mga bagong proyektong pinakaabangan ng mga fans ni Alden, gayundin ng mga Sharonians

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa tinalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ngayong Hunyo 19 ay pelikulang gagawin nina Alden Richards at Sharon Cuneta.

Cristy sa Sharon-Alden movie: "It's about time na kumalas sa mga love team"
Alden Richards, Miles Ocampo, Tonton Gutierrez at si Megastar Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa pinakaabangang proyekto ngayong taon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sa isang pelikula sina sa Sharon at Alden na pawang mag-ina ang karakter na gagampanan.

Read also

Allan K, sa nagsasabing traydor umano siya sa EB: "Nilalagyan ng iba ng meaning"

Isa umano ito sa magandang oportunidad at pagkakataon na makawala sa nakasanayan nang love team ang ilang mga artista.

"Siguro it's about time na kumalas sa mga love team, love team. Siguro dapat, magtambal tayo ngayon ng mga artistang hindi natin aakalaing magiging magkatambal sa isang piyesa," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, inaasahang papatok sa takilya ang naturang pelikula, tulad na laman ng 'Hello, Love Goodbye' kung saan sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasama ang artista ng GMA at ABS-CBN.

Inaasahan din na todo ang magiging suporta ng mga Shronians, gayundin ng mga fans ni Alden Richards sa naturang pelikula.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan, mula sa Showbiz Now Na!:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Kamakailan ay maayos na itong bumalik sa Eat Bulaga matapos ang halos dalawang taon na wala siya sa naturang programa.

Read also

Cristy sa kasalukuyang Eat Bulaga: "'Yung pagkalugi, ngayon lang nila nararamdaman"

Ilang buwan na ang nakalilipas nang maging usap-usapan ang inaasahang pagbabago 'di umano sa longest running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga.

Kabi-kabilang balita ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa 43 taon ang nakalilipas na nangyari na nga noong May 31 nang mamaalam sila sa TAPE Inc.

Sinundan agad ito ng courtesy letter na pinirmahan ng iba pang mga hosts maliban kay Alden Richards na wala sa set noong araw na iyon.

Matatandaang noong Marso 11 nang bumalik muli si Alden sa Eat Bulaga. Minsan na rin niyang naikwento kung bakit pansamantala siyang hindi napanood sa noontime show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel