Apo ni Joey De Leon, kinanta ang theme song ng Eat Bulaga sa live video

Apo ni Joey De Leon, kinanta ang theme song ng Eat Bulaga sa live video

- Napakanta ng 'Eat Bulaga' theme song ang apo ni Joey De Leon

- Ito ay habang naka-Facebook live siya upang makipagkwentuhan sa mga Dabarkads

- Mapapansin ding pinakakanta ni Jacob ang kanyang lolo ng theme song na tila tumatak na rin sa kanyang isip samurang edad

- Humirit pa ito ng isa sa mga sumikat na novelty songs ng kanyang lolo ang 'Itaktak Mo'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napakanta ng theme song Eat Bulaga ang apo ni Joey De Leon na si Jacob.

Apo ni Joey De Leon, kinanta ang theme song ng Eat Bulaga sa live video
Joey De Leon (@angpoetnyo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sumilip si Jacob kasama ang kanyang lola Eileen habang naka-live sa Facebook ng TVJ ang kanyang Dada Joey.

Nag-Hi ito sa mga Dabarkads at napakanta ng "Sina Tito, Vic at Joey, Barkada'y dumarami. Silang lahat ay nagbibigay ligaya, sa ating buhay."

Read also

Joey De Leon: "Kahit anong title, tayo Dabarkads forever"

Matapos kumanta si Jacob, inaya pa niya ang kanyang lolo na ito naman ang kumanta ng naturang theme song.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pa ito nakontento sa isang kanta, naalala rin niya ang isa sa mga sumikat na novelty songs ni Joey De Leon sa Eat Bulaga ang 'Itaktak Mo.'

Umani ito ng mga positibong komento sa mga netizens lalo na at sa murang edad ni Jacob ay masasabing tumatak na rin sa kanyang isip ang programang Eat Bulaga.

Mapapanood ang naturang video sa Facebook page ng TVJ:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon. Isa ang komedyante at songwriter na si Joey De Leon sa mga orihinal na hosts ng programa at siya rin umano ang nakaisip ng pangalan ng ngayo'y kontrobersyal na noontime show.

Read also

Joey De Leon: "Kung saka-sakali, kami ang kauna-unahang show na kalaban din ang show namin"

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.

Sa kabila ng pamamaalam ng mga orihinal na host ng programa sa kanilang producer, patuloy na napapanood ang Eat Bulaga sa GMA 7 kasama ang mga bagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ilan pang mga GMA Sparkle talents.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica