Isko Moreno nang matanong kung mapapanood muli sa EB: "Kailangan pa ba i-memorize 'yan?"
- Nakasama na ng mga bagong host ng 'Eat Bulaga' si Isko Moreno noong June 10
- Siya ang tinutukoy umano ni Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE na bagong karagdagan sa pamilya ng 'Eat Bulaga'
- Bukod sa bonggang production number, sumalang si 'yorme' sa portion na 'G sa Gedli'
- Nang matanong kung mapapanood na ba siya sa 'Eat Bulaga' simula sa June 12, mabilis naman ang naging sagot nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Gumulantang sa publiko ang biglang pagpasok ni dating Manila City Mayor Isko Moreno sa bagong mga hosts ng Eat Bulaga noong June 10.
Nalaman ng KAMI na siya ang tinutukoy ni Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE sa kanyang post na bagong karagdagan sa Eat Bulaga family.
Sa halos ika-isang linggo ng Eat Bulaga kasama ang mga bagong host, dumagdag si Yorme Isko na agad na sumalang sa isang bonggang production number. Sa saliw ng "Dying Inside" na naging signature dance niya, hindi nagpahuli si Yorme sa sayawan kasama ang Kimpoy Feliciano, Buboy Villar, Mavy Legaspi, at ang grupong Manoeuvres.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nang matanong si Yorme kung mapapanood ba siyang muli sa Eat Bulaga simula sa Hunyo 12, agad niyang naisagot ang "Kailangan pa ba i-memorize 'yan?"
Bukod sa production number, si Yorme ang host ng segment na 'G sa Gedli' kung saan sa labas sila ng studio ni Buboy at namimili ng mga dadaan na kanilang mabibigyan ng biyaya.
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod. Matatandaang isa siya sa mga naging presidential candidate sa national elections noong 2022. Sa ngayon, pinasok na rin niya ang mundo ng pagiging isang content creator. Katunayan, itinayo niya ang sarili niyang media company, ang Scott Media na hango sa tunay niyang palayaw na Scott.
Bukod sa Eat Bulaga, tutok din siya ngayon sa kanyang programang 'Iskovery night' sa ilalim naman ng kanyang production na Scott media. Ilan sa mga naging panauhin na ni Isko sa kanyang programa ay sina Coco Martin, Vice Ganda at Angeline Quinto na pawang mga tubong Maynila tulad niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh