Mayor Bullet sa pamamaalam ng TVJ sa TAPE: "A day before, we already knew na aalis sila"
- Idinetalye ng chief finance officer ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos ang tungkol sa panig nila sa pamamaalam ng TVJ sa TAPE
- Aniya, alam na nila bago pa ang pamamaalam ng TVJ na may big announcement ito ng May 31
- Isa umano sa mga hosts ang nagkumpirma nito sa kanya at sinubukan pa nilang makipag-usap sa naturang trio
- Gayunpaman, natuloy ang pag-alis ng TVJ na sinundan na rin ng iba pang mga orihinal na 'Dabarkads' na kasama nila sa 'Eat Bulaga'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbigay detalye ang Chief Finance officer ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) Inc. na si Dapitan City Mayor Bullet City tungkol sa mga naging kaganapan noong May 31.
Ito ay ang araw umano ng pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE na nalaman na nila, isang araw bago ito tuluyang maganap.
"Let's just stick to the facts. Hindi po talaga totoo na hindi po nila plano na umalis during that day, that time. In fact. Ang lakas na ng ugong sa industriya and they were all texting me saying that they already have a date na as far as three days ago."
Nasabi rin niyang isa umano sa mga host ng programa ang nag-text sa kanya at kinumpirma ang magaganap na announcement ng TVJ.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"On the day before that, nagtext po si I think one of the hosts, na abangan na meron pong announcement at 2pm. During that time. sinigurado po namin, the president decided to cut if off baka pwede pa namin pag-usapan cause we knew already. A day before, we already knew na aalis sila that day, during that time"
At nang dumating pa si 'Tito Sen' na hindi naman umano naka-line up sa araw na iyon, doon mas lalo nilang nakumpirma ang tungkol sa 'plinano' umanong pamamaalam.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Mayor Bullet Jalosjos ni Pinky Webb ng CNN Philippines.
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh