GMA, nilinaw na ang kontrata nila ay sa TAPE Inc: "Wala kaming contract with TVJ"
- Nilinaw ng senior vice president ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes ang tungkol sa kontrata nila ng TAPE Inc.
- Ito umano ay ang pagkuha ng production company ng block time agreement para sa "Eat Bulaga" at ito nga ay sa noontime
- Napapaloob din sa naturang kontrata na maaring magbago ng hosts ang TAPE, o mag-reformat ng programa
- Gayunpaman, nilinaw din ni Atty. Gozon-Valdes na mula nang pumutok ang isyu ng TAPE at ng TVJ, wala umano silang kinikilingan o kinakampihan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng Chika Minute ng 24 Oras, isa sa binigyang linaw ni ng senior vice president ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes ay ang tungkol sa kontrata nila ng TAPE Inc. patungkol sa Eat Bulaga.
Nalaman ng KAMI na hindi ito lingid sa kaalaman ng lahat kaya naman ang naiisip ng karamihan ay pumapanig lamang ang GMA sa TAPE Inc. na siyang producer ng noontime show.
"Ang contract kasi ng GMA is with TAPE. Wala kaming contract with TVJ. as talents of or kasama ng TAPE. Ang contract na ito ay isang block time agreement Ang ibig sabihin noon, parang umuupa sila ng noontime slot sa atin sa GMA," paliwanag ni Atty. Gozon-Valdes.
"Binabayaran nila tayo ng upa para sila 'yung laman ng noontime slot from Monday to Saturday," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Napapaloob din umano sa naturang kontrata na maaring magbago ng host at format ng show ang TAPE.
"Kung ano ang laman nun, wala tayong kinalaman don. In fact, nasa contract nila na they canchange host, they can change the format. And this contract was negotiated with Mr. Tuviera pa... We have to honor the contract as long as there is no bridge of its provision. Iba ang contract e, it has legal consequences."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa GMA Integrated News:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
Matapos ang paghiwalay na umano ng Tito, Vic and Joey sa TAPE Inc., na siyang producer ng Eat Bulaga, marami ang nakaabang sa mga susunod na hakbangin ng programa lalong-lalo na ang TVJ na itinuturing na haligi ng nasabing palabas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh