Ogie Diaz, sa desisyon TAPE Inc.: "Sa henerasyon ngayon, dapat talaga marami kang bago"

Ogie Diaz, sa desisyon TAPE Inc.: "Sa henerasyon ngayon, dapat talaga marami kang bago"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz patungkol sa nangyayari ngayong kontrobersiya sa Eat Bulaga

- Aniya, sa henerasyon ngayon natural lamang na dapat maraming bagong mapapanood ang publiko

- Suhestyon niya na kung nais ng TAPE na i-rebrand ang Eat Bulaga, baguhin na nito ang kanilang mga host

- Subalit aminin man daw o hindi, malaking bagay ang Tito, Vic and Joey sa 44 na taon na pananatili nito sa Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binigyang komento ni Ogie Diaz ang kabi-kabilang kontrobersyang kinakaharap ngayon ng Eat Bulaga.

Ogie Diaz, sa desisyon TAPE Inc.: "Sa henerasyon ngayon, dapat talaga marami kang bago"
Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na lalong umigting umano ang isyu matapos na magpa-interview ang Chief Finance Officer ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos sa Fast Talk with Boy Abunda.

Na sinundan naman ng mga panayam na pinaunlakan ng sinasabing isa sa haligi at orihinal na host ng Eat Bulaga, ang dating senador na si Tito Sotto.

Read also

Ogie Diaz, sa umano'y posibleng mangyari sa Eat Bulaga: "Otherwise, court battle ito"

Dahil dito, hindi maiwasang magbigay ng kani-kanyang opinyon ang mga taong nakapanood at nakapakinig ng magkabilang panig. Isa na rito si Ogie Diaz.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pero ako ha, if I were Bullet Jalosjos Kung talagang sila ay may-pagnanasa na baguhin ang Eat Bulaga, baguhin ang mukha alisin ang TVJ, Kumuha sila ng mga bago. Kaya lang matagal may mapatunayan ang mga bago. Syempre, established na ang TVJ," ani Ogie.

Gayunpaman, napapanahon na rin umano na magbigay ng bagong bihis ang programa.

"Kaya lang sa panahon ngayon. Hindi porket nag-click ka nung araw hanggang ngayong henerasyon e magki-click ka pa rin."
"Let's face it. Sa henerasyon ngayon, dapat talaga marami kang bago. Hindi porke yung brand of comedy mo, yung brand of talent mo e pasok sa banga nung mga nakaraang siglo, o nung mga nakaraang henerasyon, e hindi nangangahulugang panalo pa rin yan hanggang ngayon."

Read also

Ogie D, sinabing umaasa ang Tropang LOL na lilipat sa NET25 ayon sa source

"Kailangan tanggapin na natin ngayong mga panahong ito, na posible na may papalit sa atin, kahit YouTube pa lamang ito may papalit sa atin na mas effective sa atin, mas panonoorin ng iba. So dapat, lalo nating husayan"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Inulan ng espekulasyon ang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulag.

Sa naturang episode din ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit ni Ogie ang mga posibilidad sakaling madala o hindi madala ng TVJ ang pangalang Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica