Tito Sotto, sinabing sumama umano ang loob nina Vic at Joey: "galit na galit"
- Naikwento ni Senator Tito Sotto ang umano'y reaksyon ng dalawa pang haligi ng "Eat Bulaga" na sina Vic Sotto at Joey De Leon
- Ito umano ay ang tungkol sa nasabing hindi mabubuhay ang TVJ 'pag wala ang "Eat Bulaga"
- Inalmahan ito ni Senator Tito ang nagsabi nito gayundin nina Vic at Joey
- Aniya, bago pa man ang ngayo'y tinaguriang longest running noontime show sa buong mundo, may pangalan na umano talaga ang TVJ
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naibahagi ni Senator Tito Sotto ang tungkol sa umano'y naging reaksyon ng kanyang mga kasamang sina Vic Sotto at Joey De Leon sa nangyayari ngayon sa Eat Bulaga.
Nalaman ng KAMI na sa kabila ng ingay na ginagawa nito ilang buwan na ang nakalilipas, nanatiling tahimik ang TVJ (Tito, Vic and Joey) at patuloy na napapanood sa nasabing programa.
Subalit nang usisain ni Cristy Fermin si Senator Tito sa kanilang interview, natanong niya ang komento ng grupo sa pahayag na hindi mabubuhay ang TVJ pag wala ang Eat Bulaga.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Naku, si Vic at si Joey kagabi nung pinag-uusapan namin 'Yun, galit na galit doon sa salita na 'yan."
"Remember, 1979. Kami ang nag-create ah. But, 1976 Discorama na kami. TVJ na kami. Baka hindi pa sila pinanganganak kaya hindi nila alam. 1978, Iskul Bukol number one primetime show. For 10 years, channel 13."
Dahil dito, masasabi umano ni Joey na sa kanila ng TVJ ang programang Eat Bulaga
"Kami po ang may-ari ng programang Eat Bulaga. Ang may-ari ng TAPE ay sina Romeo Jalosjos. 'Yun ang alam namin."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:
Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong suma-ere noong 1979.
Kabi-kabilang balita ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa, 44 taon ang nakalilipas.
Maging si Ogie Diaz ay nagpaliwanag ng kanya umanong nasagap sa mainit na showbiz issue na ito. Isa rin umano sa matunog na aalisin sa programa ay si Maine Mendoza na siyang pagbabalik naman 'di umano ni Alden Richards.
Kaya naman sa pagbabalik ni Alden noong Marso 11 sa Eat Bulaga, marami ang nagsasabing maaring ito na ang hudyat ng inaasahang pagbabago.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh