Ogie D, ipinarating kay Coco Martin ang hinaing umano ng ilang vendors sa Quiapo

Ogie D, ipinarating kay Coco Martin ang hinaing umano ng ilang vendors sa Quiapo

- Maging si Ogie Diaz ay nanawagan kay Coco Martin kaugnay sa hinaing umano ng ilang vendors sa Quiapo

- Ito ay dahil sa palagiang shooting umano sa lugar na sanhi ng matumal na benta ng ilang naaapektuhan

- Ilang mga vendors na umano ang naglalabas ng kanilang saloobin sa social media ukol dito

- Ayon pa kay Ogie, maaeing umaksyon din dito ang pamunuan ng ABS-CBN

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nanawagan na rin si Ogie Diaz kay Coco Martin kaugnay sa umano'y hinaing ng ilang vendor sa Quiapo.

Ogie Diaz, nanawagan kay Coco Martin ukol sa hinaing umano ng ilang vendors sa Quiapo
Coco Martine (ABS-CBN/ FPJ BAtang Quiapo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ilang mga nagtitinda roon ay naapektuhan ang benta dahil sa palagian umanong shooting sa lugar.

"Dear FPJ Batang Quiapo! kung mag-shooting kayo 'wag naman araw-araw. Bumababa sales nain 'pag nanjan kayo eh. Hayssttt Coco hanggang kelan na naman kayo 'tong palabas mo?" pahayag ng isang vendor na ibinahagi ni Mama Loi sa Showbiz Update nila ni Ogie Diaz.

Read also

Ogie D sa umano'y bad image ng Quiapo sa teleserye ni Coco: "Ganun talaga"

Dahil dito, nanawagan na rin si Ogie Diaz maging sa ABS-CBN lalo na at nagmarka na sa publiko ang pitong taon na pamamalagi ni Coco Martin sa nauna niyang teleserye na FPJ Ang Probinsyano.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Baka pwede itong solusyunan ng ABS-CBN at kanilang production staff para hindi makaapekto sa mga pang-araw araw na kabuhayan itong shooting," ani Ogie.

"Kasi nga naman pagka- ganoon, hindi ka na mamimili manonood ka nalang ng shooting o ng taping. Naku Coco, baka naman magawan ng paraan 'yan ah," panawagan na rin ni Ogie kay Coco na hindi lang lead actor sa naturang serye kundi direktor din.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Cristy Fermin: "Naaawa ako kay Liza Soberano pero ramdam ko si Ogie Diaz"

Samantala, namamayagpag naman ang seryeng 'FPJ Batang Quiapo' mula nang maisaere ito noong Pebrero 6. Isa na ito sa pinakaabangang programa sa telebisyon gabi-gabi.

Matatandaang pilot episode pa lang nito, matinding pasabog na ang acting ni Miles Ocampo nagumanap bilang batang Cherry Pie Picache ang nasaksihan kung saan talagang hinangaan at pinalakpakan siya ng marami maging ng kanyang mga kapwa artista at ibang kasama sa serye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel