Huling hiling ng binatilyong pumanaw na ipa-Tulfo ang sumagasa sa kanya, tinupad ng ina
- Tinupad ng ina ang huling kahilingan ng anak niya na ipa-Tulfo ang nakasagasa sa kanya
- Nakapagsalaysay pa ang binatilyo ng nangyaring pagbangga sa kanya ng nakainom umanong driver
- At ang huling bilin nga nito ay idulog sa programa ni Tulfo ang sinapit niya upang mapapanagot ang nakagawa umano nito kanya
- Bago pa man maging isang senador, kilala na si Raffy Tulfo sa pagtulong ng mga kababayang naaapi
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Dumulog sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo ang inang si Analinda Delgado kaugnay sa pagkamatay ng anak na si Emmanuel.
Nalaman ng KAMI na nasagasaan si Emmanuel noong Oktubre 16 ng gabi, nakapagsalaysay pa ng nangyari sa kanya bago tuluyang binawian ng buhay.
"Idol Raffy, humihingi po sila ng hustisya para sa anak na nasagasaan po noong October 16. 6:50 po ng gabi sa Barangay Upper Bicutan sa Taguig," ani Sharee Roman, ang co-host ni Tulfo sa programa.
"Ang huling salita daw po ng bata bago ito mabawian ng buhay ay 'Tulfo ma, Tulfo ma!"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nailahad naman ni Analinda ang kwento ng anak sa kung paano ito nasagasaan ng kotse na ang driver ay aminadong nakakainom ng alak.
"Naglalakad si Emman nasa tabi lang po. Tapos nasabi niya sa akin, nasabit sa ay salamin yata po. Tapos parang nakaladkad daw sir tapos, nagulong-gulong na po tapos napunta na po sa pinagtapunan. Naano pa siya ng gulong e. Parang nagulungan pa rin siya ng dalawang beses sa unahan at sa huli. 'Yun po ang kwento niya po sa akin."
Samantala, nang malaman ni Tulfo ang huling hiling ni Emmanuel, aminadong naantig ang kanyang damdamin lalo na at talagang iniidolo pala siya nito.
"'Nung marinig ko po yan kay Odette, sobrang touched po ako, sobrang touched. Thank you po, na-touch po ako nang husto," ani Tulfo.
Samantala, nagpaabot din ng tulong pinansyal si Senator Tulfo sa naiwang pamilya ni Emmanuel. Kasalukuyan na ring nasa korte na ang kaso at umaasa ang pamilya ni Emmanuel na makakamit nito ang hustisya.
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 25 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Dahil sa kanyang serbisyo, pinakatiwalaan din siya ng publiko at nahirang bilang senador mula Mayo sa Eleksyon 2022.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh