Ogie Diaz sa mga fans ng Bini: "Pasensya na. Hindi naman ako GenZ"

Ogie Diaz sa mga fans ng Bini: "Pasensya na. Hindi naman ako GenZ"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa mga fans ng Bini

- Ito ay matapos na ma-bash umano siya ng mga ito matapos amining hindi niya noon umano kilala ang grupo

- Gayunpaman, sinabi ni Ogie na kilala na niya ito ngayon at binati pa nga ang grupo na sold out agad ang tickets ng concert

- Ang Bini ay isa sa mga tinatangkilik na PPop ngayon na may malaking bilang ng followers at subscribers

Nagbigay ng kanyang pahayag si Ogie Diaz patungkol sa mga Bloops o fans ng Bini.

Ogie Diaz sa mga fans ng Bini: "Pasensya na. Hindi naman ako GenZ"
Ogie Diaz sa mga fans ng Bini: "Pasensya na. Hindi naman ako GenZ"
Source: Facebook

Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, nasabi ni Ogie ang kanyang saloobin matapos na ma-bash umano ng mga fans ng Bini.

"Pasensya na. Sinabi ko naman talaga 'yung totoo na hindi ko naman sila talaga kilala. Ngayon kilala ko na sila," ani Ogie.

"Binash ako ng binash kasi bakit hindi mo kilala ang Bini? Pasensya na. Hindi naman ako GenZ. Ngayon, magtatanong ako sa inyo ng matandang artista. 'Pag sinabi niyo sa akin na di niyo kilala, ano? mao-offend ba ako dapat?" paliwanag niya.

Read also

Cristy, sa Pulse Asia Survey: "Palagay ko, meron tayong magiging pangulo na Tulfo ang apelyido"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, binati rin ni Ogie ang Bini matapos na ma-sold out agad ang kanilang concert sa loob lamang ng 2 oras.

"Malay mo, one of these days ma-meet ko sila. Edi Babatiin ko sila na 'you made it guys. Siyempre, gawin yung challenge yung 'ay di tayo kilala ni Ogie, pwes, gumawa tayo ng paraan, ng pangalan para makilala tayo ni sir Ogie."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at napanood na sa ilang mga sitcom at pelikula mula pa noong 90's. Sa ngayon, pinakaaabangan ang kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update kung saan aktibo siyang nagbibigay ng mga balita mula sa mundo ng showbiz.

Read also

Liza Soberano, spotted na nagmamaneho ng BMW na nagkakahagalaga ng mahigit Php8 million

Kamakailan, tinagurian ng netizens si Ogie Diaz bilang patron ng mga naghihiwalay. Dahil umano ito sa mga naibabalita niya sa kanyang Showbiz Update YouTube channel kung saan makailang beses siyang nagbahagi ng mga espekulasayon ng hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couples na kalaunan ay nakukumpirmang totoo.

Samantala, sa isa sa mga episodes din ng kanyang Showbiz Update channel, napaalalahanan niya ang mga umano'y Gen Z parents lalo na pagdating sa pagdidisiplina ng sariling anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel