Gloc-9, ikinuwento paano noon napapayag si Boy Abunda sa music video ng 'Sirena'
- Naibahagi ng rapper na si Gloc-9 ang kwento sa likod ng kanyang awiting 'Sirena'
- Matatandaang naroon sa music video nito ang tinaguriang 'King of Talk' na si Boy Abunda
- Aniya, apuribado umano ng 'asosasyon' o ng LGBT community ang kanyang awitin
- Ito umano ang dahilan kung bakit niya napapayag si Boy Abunda na maging bahagi ng makabuluhang music video ng nasabing awitin
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, isa sa mga naikwento ni Gloc-9 ang sa kung paano nila napapayag na lumabas sa music video ng awitin niyang 'Sirena' ang 'King of Talk' na si Boy Abunda.
Matatandaang sa collaboration nila ni Ebe Dancel ng nasabing awit, lumabas si Tito Boy, bandang huli ng naturang music video.
"'Nung nakausap ko si Tito Boy (Abunda) sabi niya, nag-appear ako sa video mo hindi dahil pumayag akong pumunta sa music video mo. Pinagmitingan 'yan ng asosasyon namin. Pinakinggan namin 'yan. Kung may narinig kami na isang word na hindi namin gusto, wala ako 'dun," saad ni Gloc na kilala rin bilang si Aris.
"I'm very thankful lalo na sa kanila na in-embrace nila 'yun. Ako po ay hamak na tagasulat lang," dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naikwento rin niya ang naging inspirasyon ng awitin na nagsimula lamang nang siya'y nagbabantay sa tindahan ng kanyang ina. Dahil nga tindahan ito, halos lahat ng tao sa kanilang lugar ay kanyang nakikilala at isa na rito umano si 'Bridgette.'
"Meron kaming kapitbahay, si Bridgette. Si Bridgette ay bakla. Naka-mini skirt, naka-high heels kahit puro bato-bato yung daan sa'min. Lagi siyang kinakanchawan. Fully made up. Papasok 'yun sa parlor, hanggang aabutin yun ng ala una. Kasi siya lang ang nagsusustento sa buong pamilya niya."
"If you look past the damit, the makeup, the kantsaw... totoo 'yung nasulat ko sa line na minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla"
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:
Si Aristotle Pollisco o mas kilala bilang si Gloc-9 ay itinuturing na isa sa mga "Best Filipino rappers of all-time". Nagsimula ang kanyang career noong 1990 ngunit mas nakilala siya noong taong 2003 nang mag-release siya ng solo album.
Si Gloc-9 ang nagpasikat ng mga kantang "Sirena" kung saan nakasama niya ang isa ring OPM artist na si Ebe Dancel, “Hari Ng Tondo,” at “Simpleng Tao." Laging nababanggit ni Gloc ang paghanga niya kay Francis Magalona na isa sa mga naging inspirasyon niya sa kung anoman ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon sa musika.
Samantala, matatandaang nag-viral ang post ni Gloc sa kasagsagan ng pandemya noong 2020 nang pasukin niya pansamantala ang online business. Tulad kasi ng iba ng mga artist na natigil ang hanapbuhay, isa siya sa nakaisip na pumasok sa pagnenegosyo habang nasa bahay nang mga panahong iyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh