Eric Quizon, sa amang si Dolphy: "hanggang ngayon nagpo-provide pa rin siya sa'min"

Eric Quizon, sa amang si Dolphy: "hanggang ngayon nagpo-provide pa rin siya sa'min"

- Isa sa naibahagi ni Eric Quizon sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa yumaong amang si Dolphy

- Sa kabila umano ng pagpanaw nito, 11 taon na ang nakalilipas, patuloy pa rin silang sinusuportahan nito

- Naikwento rin niyang 18 silang magkakapatid na pantay-pantay na nakakakuha parin ng suporta sa naiwan sa kanila ng ama

- Isa lamang si Eric sa mga anak ng yumaong 'Comedy King' na pumasok din sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay ni Ogie Diaz sa panayam niya kay Eric Quizon ay ang tungkol sa naiwang pamana ng ama nitong si Dolphy.

Eric Quizon, sa amang si Dolphy: "hanggang ngayon nagpo-provide pa rin siya sa'min"
Eric Quizon (@eric_quizon)
Source: Instagram

Naikwento ni Eric na 18 umano silang magkakapatid na hanggang ngayon ay nakatatanggap pa rin ng suporta ng 'comedy king ng Pilipinas'

"My dad's been for 11 years pero hanggang ngayon nagpo-provide pa rin siya sa'min," pagbabahagi ni Eric.

Read also

Miles Ocampo, naikwento ang pagiging cancer-free: "'Yung meds ko, habang buhay na siya"

“Ang maganda nga dito Ogs, biro mo, my dad’s been dead for 11 years pero hanggang ngayon nagpo-provide pa rin siya sa’min… Kasi every month, may nakukuha ’yung mga kapatid ko,” pagpapatuloy pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinaliwanag din nito ang kanyang papel sa magkakapatid kung saan malaki ang pasasalamat niya na sa kabila ng dami nila, walang anumang naging mabigat na problema.

"Bago namatay ang daddy ko, sinabi sa'min, 'Ayokong mag-aaway kayong lahat ha.' So kumbaga parang tumatak sa isip namin 'yun na basta 'pag may problema, ayusin mo 'yan, ayusin niyo 'yan. Of course natural lang 'yung merong diskusyon na 'Bakit gano'n? Dapat mas mataas 'yung presyo. Dapat ganito, dapat ganyan.' But in the long run, somehow, we managed to agree on everything that is laid upon us. Kumbaga pagka merong binebenta na lupa, or merong ka-joint venture, nilalatag ko sa bawat isa sa kanila and then for some reason naman, lahat naman nag-aagree,"

Read also

Ogie D sa viral pic nina Barbie at Richard: "Nagkatabi lang sila for how many minutes daw"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Enrico "Eric" Smith Quizon ay isang Filipino actor, director, producer, writer at comedian. Siya ang ikasampung anak ng yumaong comedy king ng bansa na si Dolphy. Isa umano siya sa mga co-owner of Café Famous sa Greenbelt, Makati. Noong 2022, Siya ang namuno sa talent management na NET25 Star Center.

Samantala, isa sa sa mga nakapanayam din ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ay sina Empoy Marquez at si Kim Molina. Naiyak si Empoy sa pag-aakalang nagalit si Kim gayung late siya sa kanilang interview. Maging si Ogie kasi ay kasabwat sa naturang prank.

Bago matapos ang taong 2023, nakapanayam din ni Ogie ang mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ito ay bago maipalabas ang kanilang blockbuster MMFF movie na Rewind na talagang tumabo sa takilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel