Gloc-9, nakiisa sa Cordillera Grand Rally ng Leni-Kiko tandem
- Isa si Gloc-9 sa mga nakiisa sa Cordillera Grand Rally ng Leni-Kiko tandem ngayong Mayo 2
- Ito ang unang pagkakataong sumama at nagtanghal ang rapper bilang bahagi ng kampanya nina VP Leni Robredo, Senator Kiko Pangilinan at senatoriables ng 'Tropang Angat'
- Nakasama rin ni Gloc-9 sa entablado ang isa ring kilalang OPM artist na si Ebe Dancel
- Isa lamang si Gloc-9 sa mga volunteer artist ni VP Leni na sumasampa sa entablado ng kampanya na walang tinatanggap umanong kabayaran
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagtanghal si Gloc-9 sa Cordillera Grand Rally ng Leni-Kiko tandem ngayong Mayo 2.
Nalaman ng KAMI na si Gloc ay karagdagan sa mga volunteer artist na sumusuporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo sa pagka-pangulo at Senator Kiko Pangilinan sa pagka-bise Presidente sa darating na May9 elections.
Nakasama rin ni Gloc sa entablado ang isa ring kilalang OPM artist at dating bokalista ng bandang Sugarfree na si Ebe Dancel. Kinanta nila ang awiting 'Sirena.'
"Ako po ay nandito, hindi bilang isang makata sa Pinas. Ako po ay nandito hindi bilang isang rapper... Ako po ay nagpunta dito bilang isang (simpleng tao)," ani Gloc bago niyang kantahin ang 'Simpleng Tao' na sinundan naman ng napapanahon niyang awitin na 'Upuan.'
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Ladies and gentlemen, siguro naman sa dami ng pinagdaanan natin bilang isang bansa at lahat ng mga Pilipino, hindi ko na po dapat idikta sa inyo kung sino ang dapat ninyong iboto sa eleksyon," dagdag pa ni Gloc.
Narito ang kabuuan ng kanyang pagtatanghal na ibinahagi rin ng Facebook page ni Senator Kiko Pangilinan:
Si Aristotle Pollisco o mas kilala bilang si Gloc-9 ay itinuturing na isa sa mga "Best Filipino rappers of all-time".
Nagsimula ang kanyang career noong 1990 ngunit mas nakilala siya noong taong 2003 nang mag-release siya ng solo album.
Si Gloc-9 ang nagpasikat ng mga kantang "Sirena" kung saan nakasama niya ang isa ring OPM artist na si Ebe Dancel, “Hari Ng Tondo,” at “Simpleng Tao."
Noong Hunyo 2020, nag-viral ang post ni Gloc-9 kung saan pinasok na na rin ang online business.
Maayos din na naipaliwanag ni Gloc sa ilan niyang mga fans ang dahilan kung bakit pumasok na rin siya sa pagbebenta at ito ay may kaugnayan ngayong pandemya.
Source: KAMI.com.gh