Ben & Ben, kinumpirma ang boluntaryo na pagiging 'Kakampink'

Ben & Ben, kinumpirma ang boluntaryo na pagiging 'Kakampink'

- Kinumpirma ng bandang Ben & Ben ang pagsuporta sa kandidatura ni Leni Robredo sa pagka-pangulo

- Isa umano ang kanilang banda sa boluntaryong magbibigay saya sa mga campaign rally ng grupo nina VP Leni at Senator Kiko Pangilinan

- Nilinaw nilang bilang boluntaryo ang kanilang gagawin, hindi umano sila babayaran para rito

- Sinasabing unang event na sasamahan ng banda ay ang kampanya ng Kakampink sa Pasig City sa Linggo, Marso. 23

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinumpirma ng bandang Ben & Ben ang pakikiisa nila sa kampanya ni Vice President Leni Robredo sa pagkandidato nila bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Ben & Ben, kinumpirma ang boluntaryo na pagiging 'Kakampink'
Ben & Ben, kinumpirma ang boluntaryo na pagiging 'Kakampink' (@benandbenmusic)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng social media post, hayagan nang sinabi ng grupo ang pagsuporta nila sa kandidatura nina VP Leni at Senator Kiko Pangilinan

Ayon pa sa grupo, boluntaryo ang kanilang ginagawa at at hindi umano sila bayad sa pagsuporta nia kina VP Leni.

Read also

Kakampink couple, na-engage sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City

Nabanggit din sa naturang post na ang unang ganap na pupuntahan ay ang Pasig na halos susundan ng pagkampanya sa mga Kakampink ng Nueva Ecija.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa lamang ang Ben & Ben sa mga grupo ng musikero sa bansa na hayagang sumusuporta sa Leni- Kiko tandem at kanilang mga senatoriables.

Samantala, kanya-kanyang pagpapabulaan ang ilang mga artist at musicians na napasama sa post na nagsasabing kasama umano sila sa isang campaign rally ng UniTeam.

Ilan sa kanila ay ang Parokya ni Edgar, Kamikazee, Zack Tabudlo at IV of Spades.

Tahasang sinabi ng mga ito na pawang fake news lamang ang narutang post at walang katotohanang sasama sila sa pangangampanya ng grupo ni presidential candidate BongBong Marcos at ka-tandem nito na kumakandidato naman sa pagka- bise presidente na si Sara Duterte.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang bandang Ben&Ben na suporta nito mula pa 2016

Kamakailan, inalmahan din mismo ni Vice President Leni Robredo ang isa ring fake news tungkol sa kanya kung saan sinabing mayroon siyang unang asawa sa edad 15, at nagkaroon daw siya ng anak dito na nagawa pa raw niyang iabandona.

Isa rin sa gumawa ng ingay sa social media kamakailan ay ang 'Story Time' ni Valentine Rosales patungkol sa mga presidential cups ng 7-Eleven. Burado na ang naturang post at nag-sorry na rin si Valentine sa publiko dahil sa kanyang ginawa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica