Ogie Diaz, nanghingi ng opinyon ukol sa MMFF Awards: "Cooking show?"
- Nanghingi ng opinyon sa publiko si Ogie Diaz tungkol sa katatapos lamang na MMFF Awards night
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
-Aniya, 'cooking show' daw ba ito o deserve ng mga nanalo ang kanilang mga award
- Ilan sa mga nagwagi sa nasabing Gabi ng parangal ay sina Vice Ganda, Judy Ann Santos at Dennis Trillo
- Taon-taon, dagdag kasiyahan na sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ng pamilyang Pilipino ang pelikulang kanilang maaring panoorin mula sa Metro Manila Film festival
Humingi ng opinyon si Ogie Diaz tungkol sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival Awards night.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kanyang Facebook post, natanong niya ang publiko kung deserve ba umano ng mga nanalo ang kanilang mga awards.Sa kanyang Facebook post, natanong niya ang publiko kung deserve ba umano ng mga nanalo ang kanilang mga awards.
"Any comment sa katatapos na #MMFF50? May cooking show ba o dasurv ng lahat ng winners?" ani Ogie.
Dahil dito, samau't saring komento ang kanyang nakuha kung saan may mga nagsasabing tila luto ang parangal ngunit marami rin naman ang dumidepensa at nagsasabing deserve naman talaga ng mga nanalo ang kanilang mga nakuhang award.
Ilan sa mga nanalo sa gabing iyon ay sina Ruru Mardid, best supporting actor para sa pelikulang Green Bones, Judy Ann Santos, best actress para sa entry nila na 'Espantaho,' at si Dennis Trillo ang nagwagi bilang best actor sa pelikula nilang 'Green bones.'
Hindi naman inaasahan ni Vice na matatanggap niya ang Special Jury citation. Ito umano ang unang award na nakuha niya sa ilang taong pagsali sa Metro Manila Film festival.
Samantala, narito ang kabuuan ng post ni Ogie Diaz:
Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Katunayan, sa ang YouTube channel ni Ogie Diaz Showbiz Update sa mga pinakaaabangan linggo-linggo bilang source ng maiinit na mga showbiz balita.
Kamakailan lamang ay nabanggit ni Ogie na sana'y bigyan ng isa pang chance ang naging controversial love team kamakailan, ang MaThon nina Maris Racal at Anthony Jennings. Lalo na at mapapanood ang nasabing tambalan sa MMFF movie ni Vice Ganda, ang 'And the Breadwinner is'.
Gayunpaman, nilinaw ni Ogie na hindi siya PRO ng nasabing pelikula ni Vice Ipinaliwanag ni Diaz na nagkataon lamang na naging alaga niya si Vice sa nakaraan at nakatagpo siya ng pagkakataon upang makatulong sa pelikula. Aniya, ang kanyang suporta ay walang kapalit at isang anyo ng pagtulong sa kaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh