DongYan, thankful sa pagkilala ng senado sa tagumpay ng pelikulang 'Rewind'

DongYan, thankful sa pagkilala ng senado sa tagumpay ng pelikulang 'Rewind'

- Kinilala sa senado ang tagumpay ng pelikulang 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

- Ito ay matapos na kumita sa takilya ng halos isang bilyong piso dahilan para ito'y maging top-grosser film of all time sa Pilipinas

- Halos hindi makapaniwala ang mag-asawa sa tagumpay na tinamo ng kanilang pelikula

- Tila walang hanggan naman ang pasasalamat ni Marian sa lahat ng sumuporta at tumangkilik sa kanilang pelikula

Kinilala sa senado ang tagumpay ng pelikulang Rewind ng mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

DongYan, thankful sa pagkilala ng senado sa tagumpay ng pelikulang 'Rewind'
Marian Rivera and Dingdong Dantes (Dingdong Dantes)
Source: Facebook

Ito ay matapos kumita ng Php903 million sa takilya mula nang ipalabas ito noong Disyembre bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival 2023.

Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na mahingan ng pahayag ang mag-asawang Dingdong at Marian kaugnay sa panibagong tagumpay ng kanilang pelikula.

"Grabe 'yung ibinigay sa amin ngayong araw. So very overwhelmed and really really greatful sa pagkilalang ito. Pero higit sa lahat, nagpapasalamat kami na naging instrumento kami para magampanan 'yung roles na John and Mary sa pelikulang Rewind," pahayag ni Dingdong.

Read also

JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ako speechless ako. Kanina ko pa sinasabi, akalain mo makakaabot tayo dito dahil sa pelikula natin. So very thankful talaga kami sa lahat ng sumuporta at nanood talaga ng Rewind," giit naman ni Marian.

Pebrero 19 nang maimbitahan ang mag-asawa sa senado upang tanggapin ang nasabing pagkilala.

Samantala, narito ang kabuuan ng naging maiksing panayam ni Ogie Diaz kina Dingdong at Marian mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

10 ang pelikulang naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival sa taong 2023. Ito ay ang "A Family of 2 (A Mother and Son Story)," "(K)Ampon," "Penduko," "Rewind," "Becky and Badette," "Broken Heart’s Trip," "Firefly," "GomBurZa," “Mallari," and "When I Met You in Tokyo."

Isa sa mga labis na tinangkilik ng publiko sa naturang film festival ay ang pagbabalik pelikula nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa "Rewind."

Read also

Dominic Roque, pumalag sa nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica