Pinay sa Korea, kabilang sa cast ng hit Netflix series na 'All of us are dead'
- Isang Pilipina ang napabilang sa hit Korean series sa Netflix na 'All of us are dead'
- Isa siya sa mga background actors at classmate ng mga bida ng series
- Dalawang taon na ang nakararaan nang i-shoot nila ang movie series na kapapalabas lang sa Netflix noong Enero 28
- Samantala, hindi ito ang unang beses na mapabilang ang Pinay sa isang Korean project mapa-pelikula man ito o K-drama
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang kababayan natin ang napabilang sa cast ng hit Korean series sa Netflix na 'All of us are dead'.
Nalaman ng KAMI na ito ay si Noreen Joyce Guerra, na nakapagtapos at kasalukuyang nagtatrabaho na rin sa Korea.
Sa isa sa mga naging interviews kay Joyce, sinabi niyang isa talaga siyang manager sa financial company sa Korea ngunit pinasok din niya ang pagiging isang background actor.
Nagagawa niya ito tuwing weekends at holidays. Katunayan, higit 50 na ang kinabilangan niyang Korean projects maging pelikula man ito o soap opera.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
At isa na nga rito ang All of us are dead na sikat na sikat din sa ating mga Pilipino kamakailan.
Isa sa mga classmates ng mga bida si Joyce at makailang beses din siyang nahagip sa camera sa naturang palabas.
Madali nga raw siyang nakilala ng ilan dahil sa isang eksena kung saan paharap niyang binitbit ang kanyang backpack na madalas gawin ng mga Pilipino.
Sa kanyang instragram post, 2 years ago pa nila nai-shoot ang naturang series ngunit kapapalabas pa lamang nito sa Netflix noong Enero 28.
Matatandaang kamakailan, isang naman Pinoy ang napabilang sa isa ring hit Korean series sa netflix na Squid Game.
Siya si Christian Lagahit na gumanap bilang player 276. Tulad ni Joyce, ilang beses na rin siyang napabilang sa mga K-drama o pelikula.
Naging close pa umano ni Christian ang gumanap na si Ali sa Squid Game.
Sinasabing ang karakter ni Ali sana ang gagampanan ni Carlo Aquino subalit dahil sa pandemya, hindi na ito natuloy bumiyahe noon patungong Korea.
Laking panghihinayang ni Carlo noon na dahil lamang sa travel restrictions, hindi siya nakasama sa isang malaki at kikilalaning pelikula sa buong mundo.
Source: KAMI.com.gh