Olivia Lamasan sa 'Hello, Love, Goodbye': "Originally LizQuen 'yan e!"

Olivia Lamasan sa 'Hello, Love, Goodbye': "Originally LizQuen 'yan e!"

- Naikwento ni Direk Olivia Lamasan na dapat sana'y ang tambalan na 'LizQuen' ang gaganap sa 'Hello, Love, Goodbye"

- Isa rin na kanilang napili ay ang tambalang 'KathNiel' bago ito napunta kina Kathryn Bernardo at Alden Richards

- Nag-iisip talaga sila ng susunod nilang OFW movie na susunod sa mga award-winning movies na 'Milan', 'Anak'

- Ang Hello, Love, Goodbye ay isang Star Cinema film na pumatok sa takilya noong 2019 dahil na rin sa husay ng pagganap nina Kathryn Bernardo at Alden Richards

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento ni Olivia Lamasan na orihinal na para sa tamabalang Liza Soberano at Enrique Gil o 'LizQuen' ang pelikulang 'Hello, Love, Goodbye.'

Isa ito sa mga naisiwalat ni Direk Olivia Lamasan sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel.

Read also

Sharon Cuneta, naiyak noon kay Olivia Lamasan dahil sa 'Madrasta': "I'm so mad at you"

Nalaman ng KAMI na dahil sa problema sa schedule, gayung gumaganap pa bilang 'Darna' si Liza, sunod nilang naisip ang real-life couple na KathNiel na binubuo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Olivia Lamasan sa 'Hello, Love, Goodbye': "Originally LizQuen 'yan e!"
Sina Kathryn Bernardo at Alden Richards (Photo from: Hello, Love. Goodbye)
Source: Facebook

"Originally LIzQuen 'yan e. LizQuen then it became Kathryn-DJ, and then Kathryn Alden."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong panahon ding iyon, tinipon niya ang kanyang creative team kung saan bigla na lamang din niyang naisip na gumawa ng bagong OFW movie na susunod sa 'Milan' at sa 'Anak' na talagang tuamtak sa puso ng maraming Pilipino.

"Wha't our next Milan? What's our next 'Anak' what's our next OFW story?" hanggang sa tuluyan na nilang nabuo ang konsepto ng patok na pelikula noong 2019.

Marami ang nagulat sa tamabalang Kathryn at Alden sa naturang pelikula ngunit mas marami ang nagulat dahil sa husay ng pagganap ng mga aktor na bagaman hindi talaga isang love team, nabigyan ng hustisya ang pagganap sa isang obra na nakaantig sa puso ng maraming Pilipino.

Read also

Pinoy Big Brother Season 10, trending sa pagbubukas ng bahay ni Kuya

Narito ang kabuuan ng panayam ni Toni Gonzaga kay Direk Olivia Lamasan:

Si Olivia M. Lamasan ay isang batikang direktor sa larangan ng pelikula at telebisyon. Isa rin siyang writer at producer ng mga sikat at award-winning na pelikula tulad ng Sana Maulit Muli, Madrasta, Got to Believe, Starting Over Again at Hello, Love Goodbye.

Dati siyang head of ABS-CBN's creative department at ngayon siya ang managing director ng ABS-CBN Film Productions, Inc. Tinagurian siyang "master director" dahil sa husay niya sa kanyang larangan. Madalas din siyang tawaging 'Inang' ng kanyang mga katrabaho dahil umano sa pagiging parang isang tunay na ina kung kanila itong kasama.

Isa sa mga 'anak' ni Direk Olivia ay si Toni Gonzaga na aminado siyang isa sa mga hinahangaan niyang artista na nakapagbigay sa kanya ng inspirasyon lalo na noong nakatrabaho niya ito sa 'Starting Over Again' kasama si Piolo Pascual.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica