Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

- Nabalitaan umano ni Mama Loi sa isang supplier sa mga events ang tungkol sa kasalan nina Sam Milby at Catriona Gray

- Aniya, hindi naman daw cancelled ang nasabing kasalan

- Matatandaang naglabas na kamakailan ng pahayag ang management ng dalawa tungkol sa pinagdaraanan umano ng mga ito

- Taong 2023 nang ma-engage sina Sam at Catriona kung saan nakapagkwento na rin si Sam ng ilang detalye ukol sa plano nilang pagpapakasal

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ngayong Marso 3, napag-usapan nina Ogie, Mama Loi at Dyosa Pockoh ang tungkol sa umano'y naudlot na kasalan nina Sam Milby at Catriona Gray.

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"
Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"
Source: Facebook

Matatandaang ilang araw lamang ang nakalilipas nang mismong ang kanilang management na Cornerstone ang nagkumpirma na tila may pinagdaraanan ang relasyon nina Sam at Cat.

"Eto na nga, ang narinig ko, may mga suppliers na hindi naningil. Ng reservation, ng down payment. Kasi ang alam nila sureball na yung kasal. Kasal sa Australia at meron ding reception dito sa Pinas," pagbabahagi ni Ogie.

Read also

Ogie D, sa nalamang dahilan ng hiwalayan nina Janine at Paulo: "di ko alam kung sure ito"

Ayon naman kay Mama Loi, tila may pag-asa pang matuloy ang kasalan dahil sa nalaman niya sa isa ring supplier.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang narinig ko naman sa isang wedding supplier, ang alam daw niya nag-postponed hindi nag-cancel"

Dahil dito, umaasa silang matutuloy pa rin ang pag-iisang dibdib ng dalawa na inaasahan na rin ng marami.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Nobyembre ng nakaraang taong 2023 nang magbahagi si Sam ang ilang detalye ukol sa kasal nila ni Catriona. Aniya, intimatë wedding daw ito at kitang-kita ang excitement sa kanya habang sinasabing nais nilang ma-enjoy muna talaga ang buhay may asawa bago pasukin naman ang buhay ng pagiging isang magulang.

Read also

Alden sa pagkakadawit sa umano'y isyu nina Sam at Catriona: "Hindi po ako nakikiapid"

Sa kabila ng mga kuro-kuro na tila hiwalay na sina Catriona at Sam, ilang larawan pa rin ang lumabas sa social media ang lumabas, patunay na sila pa rin ay nagkakasama. Isa na rito ang sweet photo nila nito lamang Pebrero 9 kung saan marami ang kinilig sa 'back hug' ng aktor sa kanyang fiancée.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel