Ogie D, sa nalamang dahilan ng hiwalayan nina Janine at Paulo: "di ko alam kung sure ito"

Ogie D, sa nalamang dahilan ng hiwalayan nina Janine at Paulo: "di ko alam kung sure ito"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang nalaman niya mula sa source na dahilan ng hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez

- Aniya may kaugnayan ito sa 'plano' na naitanong ni Janine sa dating nobyo

- Maaring sa ngayon ay malabo raw umanong magkabalikan ang dalawa

- Iniwan din ni Ogie ang paglilinaw ng nabalitaan niyang ito kina Janine at Paulo mismo

Nabanggit ni Ogie Diaz ang umano'y dahilan ng hiwalayan muli nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Ogie D, nalaman sa source ang hiwalayan nina Janine at Paulo: "di ko alam kung sure ito"
Paulo Avelino (Paulo Avelino Facebook)
Source: Facebook

Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, isang source umano ang nagparating sa kanya tungkol dito.

"Ang nabalitaan ko, nabalitaan ko lang naman ito. Parang malabo pa sa ngayon," ani Ogie patungkol sa posibilidad na magkabalikan ang dalawa.

"Kasi ang nalaman ko lang from a source na very close sa kanila, di ko alam kung sure ito. Pwede naman itong linawin ni Janine at ni Paulo. Tinanong ko, anong dahilan bakit nag-split yung dalawa? Ang sabi sa akin, e si Janine daw e nakausap si Paulo. Parang ang mga pahiwatig ng salita ni Janine ay 'ano nang plano natin?' 'Di ba naging sila, nagsplit sila, nagkabalikan ulet. Kaya dun sa kanilang pagbabalikan e naitanong, ano na ba ang plano?"

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"May plano naman daw... Ayun na nga. 'Yung plano na yun, ay magkakaroon ng katuparan sabi daw ni Paulo ha, pag naka-graduate na daw si Aki, yung kanyang anak. Parang ang dating daw kay Janine ay college."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Michael Paulo Lingbanan Avelino o mas kilala bilang si Paulo Avelino ay isang aktor, modelo at film producer sa bansa. Bumida na siya sa ilang pelikula at television series mula sa Kapuso at maging sa Kapamilya network. Sa kasalukuyan, usap-usapan si Paulo sa husay ng pagganap nito sa Linlang. Umani sila ng papuri sa publiko sa husay ng kanilang pagganap sa nasabing serye.

Gumagawa na rin ng ingay ang bagong teleserye ni Paulo na muling pagbibidahan nila ni Kim Chiu. Ito ang Pinoy adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim.

Read also

Alden sa pagkakadawit sa umano'y isyu nina Sam at Catriona: "Hindi po ako nakikiapid"

Dahil dito, hindi maiwasang maiugnay ang pangalan ni Kim kay Paulo ngayong madalas ang proyekto nilang magkasama at sumabay pa ang pagiging single umano ng dalawa sakaling totoo man ang bali-balitang naghiwalay na muli sina Paulo at Janine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel