Ogie Diaz, nabalitaang may nakikipag-usap sa ABS-CBN: "Kung pwede raw patigilin kami"

Ogie Diaz, nabalitaang may nakikipag-usap sa ABS-CBN: "Kung pwede raw patigilin kami"

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang nakarating umano sa kanyang balita na may nakikipag-usap sa ABS-CBN tungkol sa kanyang YouTube channel

- Ayon sa source, pinatitigil umano si Ogie gayundin ang kanyang mga kasama sa YouTube channel nito

- Ito ay kaugnay umano sa napapabalitang hiwalayan ng Kathniel na minsang naibahagi rin sa YouTube channel ni Ogie

- Gayunpaman, wala pang natatanggap na tawag si Ogie mula sa management ng ABS-CBN ukol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena sa bagong episode ng kanilang Showbiz Update channel ay tungkol umano sa nakikipag-usap sa ABS-CBN management na patigilin na raw sila sa kanilang YouTube channel.

Ogie Diaz, nabalitaang may nakikipag-usap sa ABS-CBN: "Kung pwede raw patigilin kami"
Ogie Diaz (The Ogie Diaz)
Source: Facebook

Tila may kaugnayan umano ito sa minsan nilang naibalita ngunit hindi pa naman umano kumpirmado na hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Read also

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

"Ang puno't dulo pa rin ng lahat ng nito ay kailangan nating marinig si Daniel at Kathryn kung ano nga ba ang totoo."
"Kaugnay ng balitang 'yan, meron daw nakikipag-usap sa management ng ABS-CBN na kung pwede raw na patigilin ako, kami dito na magbalita tungkol sa Kathniel sa breakup di umano lalo na kay Daniel... Pinapatigil kami"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Paglilinaw ni Ogie, wala pa naman umano siyang natatangap na anumang uri ng komunikasyon mula sa ABS-CBN ukol dito.

Gayunpaman, nakarating din sa kanya ang umano'y reaksyon ni Kathryn Bernardo ukol sa nababalitang lumalapit sa ABS-CBN para patigilin sina Ogie.

"Pero meron pang nakarating sa akin, meron namang nakipag-usap sa kampo ni Kathryn Bernardo. 'Yun na nga, parang nakarating kay Kthryn na merong nakikipag-usap sa management ng ABS-CBN para patigilin ako. Ang sabi ng kampo ni Kthryn, nakarating lang naman sa akin ito... "Let them be" ibig sabihin hayaan niyo na sina Ogie na gawin ang trabaho nila. Parang ganon yung let them be"

Read also

Rosmar, 'di ganon kalakas ang Php5 million na kita a day: "Pumapalo po ng Php13M"

"Una sa lahat, wala po kaming ibinabalita rito na nakakasirang puri. Kay Kthryn, kay Daniel, o sa relasyon. Ang lagi rin naming sinasabi rito, 'yun lang pong nababalitaan namin pero, hindi pa confirmed."
"Kaya yung iba, inuutusan tayo na i-verify muna. Kaya nga sinasabi namin, hindi pa confirmed."

Gayunpaman, isa umano si Ogie sa mga naghihintay din ng pahayag ng Kathniel upang tuluyan nang matuldukan ang isyu ng hiwalayan ng dalawa.

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at popular na host ng kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update.

Matatandaang sa naunang episode ng kanyang YouTube channel, naibahagi ni Ogie na mula umano sa isang source ay nagkikitang palihim sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Read also

Karla, sa umano'y pasabog ni Cristy ukol sa Kathniel: "Ito po ay walang katotohanan"

Matatandaang minsan na rin nagpaalala si Ogie Diaz sa ibang mga baguhang artista pagdating naman sa kanilang pag-arte. Ang ilan, pinayuhan niyang dumaan sa acting workshops upang mas mahasa ang kanilang pag-arte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel