Skusta Clee at Ava Mendez, na-tsismis na engaged na dahil sa viral video

Skusta Clee at Ava Mendez, na-tsismis na engaged na dahil sa viral video

- Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y video ng engagement ni Skusta Clee

- Makikita kasing mula sa pagkakaluhod si Skusta at tuwang-tuwang niyakap si Ava Mendez

- Matatandaang minsan nang gumawa ng ingay ang dalawa nang gumulantang sa publiko ang kanilang mga sweet photos

- Noong 2022, kinumpirma ni Zeinab Harake ang hiwalayan nila ni Skusta at ang pagkawala ng kanila sanang ikalawang baby na si Moon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang nagtatanong ngayon kung totoo ba ang kumakalat na video kung saan sinasabing engaged na si Skusta Clee at Ava Mendez.

Skusta Clee at Ava Mendez, usap-usapang engaged na umano dahil sa viral video
Skusta Clee at Ava Mendez (@avamendezofficial)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang naturang video ay nagkalat sa TikTok bagama't hindi kumpleto ang eksena ng mga pangyayari.

Sa ulat ng Kapamilya Online World, makikitang mula lamang sa pagkakaluhod si Skusta at nang makatayo ay masayang niyakap agad si Ava.

Read also

Ava Mendez, nilinaw na hindi totoong engaged na sila ni Skusta Clee

Dahil dito, tila nabuo ang espekulasyon na engaged na ang dalawa lalo na at tila kasama nila sa video ang ilang malalapit na kaibigan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon sa magkabilang panig kung totoo nga ba ang naturang video.

Si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang singer at rapper sa bansa na dating miyembro ng Ex Batallion. Siya rin ang dating partner ng kilalang content creator sa bansa na si Zeinab Harake.

Matatandaang noong nakaraang taon 2022, kinumpirma ni Zeinab ang hiwalayan nila ni Skusta matapos na isiwalat ang pagkawala ng ikalawa sana nilang anak na pinangalanan niyang 'Moon.'

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, diretsahang sinabi ni Zeinab na cheating umano ang talagang naging dahilan ng hiwalayan nila ng ama ng anak niyang si Bia.

Read also

Isko Moreno, naka-relate sa mga kwento ng buhay ni Coco Martin

Nang tanungin ni Boy kung napatawad na ni Zeinab partner niyang minsan na niyang hiniwalayan ngunit nagbalik din, pareho pa rin ang sagot niya rito sa dati niyang mga naging interview.

"Sabi ko nga po sa mga interview ko before, kung papatawarin ko siya, sa'kin nalang po 'yun," ani Zeinab.

Samantala, bago si Ava Mendez, matatandang si Aira Lipata ang sinasabing nakarelasyon ni Skusta matapos ang hiwalayan nila ni Zeinab. Naipa-tattoo pa noon ni Aira ang pangalan ni Skusta subalit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel