Zeinab Harake, aminadong "nawawala pa"; humuhugot ng lakas sa kanyang mga anak

Zeinab Harake, aminadong "nawawala pa"; humuhugot ng lakas sa kanyang mga anak

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Zeinab Harake nang kumustahin siya ni Boy Abunda

- Sa naturang interview, buong tapang na inamin ni Zeinab na tila 'nawawala pa siya'

- Gayunpaman, patuloy niyang hinaharap ang mga pagsubok lalo na sa tuwaing nakikita ang mga anak

- Aniya, tanging ang kanyang mga anak ang nagpapalakas sa kanya sa mga nangyayari kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling naging emosyonal si Zeinab Harake nang makapanayam naman siya sa unang pagkakataon ng King of Talks na si Boy Abunda.

Zeinab Harake, aminadong hindi pa okay; humuhugot ng lakas sa kanyang mga anak
Zeinab Harake (The Boy Abunda Talk Channel)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nang kumustahin pa lang ni Boy si Zeinab, agad nitong inamin na siya ay 'nawawala.'

"Kaya ko pong maging okay, kaya ko rin pong damdamin nalang lahat ng dinadala ko talaga," ani Zeinab.

Isa rin sa sa mga napag-usapan nila ay ang nasirang relasyon kay Skusta Clee. Nang tanungin ni Boy kung napatawad na ni Zeinab ang ama ng kanyang anak na si Bia, pareho pa rin ang sagot niya rito sa dati niyang mga naging interview.

Read also

Skusta Clee at Ava Mendez, na-tsismis na engaged na dahil sa viral video

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sabi ko nga po sa mga interview ko before, kung papatawarin ko siya, sa'kin nalang po 'yun."

Matatandaan na matapos ang ilang buwang pananahimik ni Zeinab kaugnay sa hiwalayan nila ni Skusta at ng pagkawala ni Baby Moon, isang kontrobersiya na naman ang hinarap niya. Ito ay ang mga umano'y naging rebelasyon ni Wilbert Tolentino ukol sa kanya.

Sa dami ng mga umano'y nangyari sa kanyang buhay, humuhugot na lamang siya ng lakas sa kanyang mga anak.

"Totoo 'yung kasabihan na kapag pagod na pagod ka na, iyak ka na ng iyak pero 'pag tiningnan mo yung mga baby mo parang, kaya ko... kaya ko!"

Narito ang kabuuan ng pahayag sa kanya mula sa The Boy Abunda Talk channel:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.2 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Cristy, minsan na umanong nasita si Alex; "Morgue ba ito? Nagpapa-makeup nakahiga"

Kamakailan naging kontrobersyal si Zeinab matapos na umano'y isiwalat ni Wilbert Tolentino ang ilan sa mga screenshots ng kanilang naging pag-uusap tungkol umano sa mga kapwa nila vloggers.

Agad na naglabas ng pahayag si Zeinab ukol dito at nag-sorry sa mga pangalang nadawit umano sa kontrobersiya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel