Kasalang 'Kathniel', tuloy na tuloy na umano sa 2023 ayon sa source ni Cristy Fermin

Kasalang 'Kathniel', tuloy na tuloy na umano sa 2023 ayon sa source ni Cristy Fermin

- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang nasabi ng kanyang source na tuloy na tuloy na umano ang kasalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa susunod na taon

- Wala pa mang proposal, masasabing tuloy na talaga sa 2023 ang kasalan ng real-life couple

- Ani Cristy, nasa tamang edad na rin naman ang dalawa at matibay na ang 11 taong pundasyon ng kanilang relasyon

- Matuloy man ito, sa susunod na taon, maituturing itong wedding of the century

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kumbinsido si Cristy Fermin sa kanyang source na tuloy na tuloy na 'di umano ang kasalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa susunod na taon.

Kasalang 'KathNiel', tuloy na tuloy na umano sa 2023 ayon sa source ni Cristy Fermin
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (@supremo_dp)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na wala pa mang nagaganap na proposal, tila magaganap na sa 2023 ang maituturing na magiging 'wedding of the century.'

"Kung kailan po next year, 'yun po ang tandang pananong sa atin," ani Cristy.

"Pero 'yun po ang kanilang paniniwala. at ako, sumasang-ayon ako"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Labing-isang taon na po silang magkarelasyon. It's about time. Pati po ang kanilang mga edad, tamang-tama po talaga. Hinog na hinog na ang relasyong ito para sa pagpapakasal," dagdag pa niya.

Bukod sa edad, tila sapat na pundasyon ang 11 taon ng kanilang relasyon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy na ikakikilig umano ng 'KathNiel' fans:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Ilan sa mga maiinit na chika na naibahagi sa Showbiz Now Na! kamakailan ay ang tila nananamlay nang career umano ni Jake Zyrus, gayundin ang karera ng showbiz ni Liza Soberano sa Amerika at maging ang reaksyon niya sa pagkakaposas kay Vhong Navarro nang ilipat ito sa Taguig City jail.

Dahil dito, sa loob lamang ng ilang buwan ay nakuha na agad nila ang silver play button ng YouTube sa pagkakaroon agad ng mahigit 100,000 subscribers na aminadong aliw na aliw sa kanyang mga showbiz balita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel