Xian Gaza, na-tag si Glenda Dela Cruz sa picture na kasama niya si Rosmar Tan

Xian Gaza, na-tag si Glenda Dela Cruz sa picture na kasama niya si Rosmar Tan

- Na-tag ni Xian Gaza si Glenda Dela Cruz sa picture kung saan kasama niya si Rosmar Tan

- May makulit pa itong caption na 'ikaw pinag-uusapan namin dito' na patungkol kay Glenda

- Matatandaang nagkaroon 'di umano ng hidwaan sina Glenda at Rosmar na nauwi pa sa demandahan

- Si Glenda Victorio [Dela Cruz] ay CEO ng Brilliant Skin habang si Rosmar Tan naman ay CEO ng Rosmar Skin Essentials

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Xian Gaza, na-tag si Glenda Dela Cruz sa picture na kasama niya si Rosmar Tan
Xian Gaza (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Talagang na-tag ni Xian Gaza si Glenda Dela Cruz sa post kung saan kasama ni Xian sa larawan si Rosmar Tan.

Nalaman ng KAMI na tila nagkita sina Xian at Glenda na pareho umanong nasa Singapore.

"Glenda Dela Cruz ikaw pinag-uusapan namin dito," ani Xian sa kanyang post na patungkol umano kay Glenda Victorio.

Matatandaang nagkainitan 'di umano online ang dalawang CEO ng mga skincare and beauty products.

Read also

Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humantong pa ang kanilang patutsadahan sa demandahan na isinampa ng magkabilang panig.

Isa si Sawsawera Queen RR Enriquez ang nagbigay payo na lamang sa dalawa, nang 'sawsawan' niya ang issue.

"Ako ang payo ko sa dalawang CEO na 'to, kung hindi pa naman sobrang laki ng damage na nagawa, Naku! pag-usapan niyo nalang 'yan. Sobrang stressful niyang ginagawa niyo. Alam niyo ba kung sinong malulugi diyan? kayong dalawa," aniya.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Read also

Cristy sa ilang AlDub fans: "Nang-iinis nalang itong mga ito e"

Kamakailan, naglabas si Xian ng maiksing video kung saan nagpapaalala ito sa publiko na tantanan na umano sina Angel Locsin at mister nitong si Neil Arce. Ito ay dahil sa kumakalat na tsismis na nagkakalabuan ang dalawa at tila may third party pang dahilan.

Ani Xian, irespeto na lamang ang pananahimik sa ngayon ng mag-asawa na ilang buwan nang walang paramdam sa kani-kanilang social media. May ilan namang nagsasabi tulad ni Ogie Diaz, na pinili talaga umano ng mag-asawa lalo na ni Angel na magpahinga muna sa socmed.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel